Chapter 1: You Will Be My Secretary

77.3K 703 21
                                    

NICOLEEN KIESHANNA VALDEZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NICOLEEN KIESHANNA VALDEZ

“Chump! Nom... nom... nom!” Pagnguya ko sa medyo makunat na spaghetti na niluto ng pinakamagaling kong bestfriend.

Hindi ata ako magsasawang kainin lahat ng pagkain na niluluto niya. Para sa akin, the best cook siya kahit na minsan hindi ko na manguya.

Muli kong tinusok ng tinidor ang spaghetti sa harap ko at dahan-dahang inikot iyon tsaka sinubo. Sumandal ako sa sofa at prenteng naupo habang nanonood ng paborito kong palabas. Tapos na kasi ang school days ko kaya wala na akong masyadong ginagawa.

“Hey, what's up?” Kalabit sa akin ng kung sino.

Napaigtad ako sa gulat at nilingon ang tao sa gilid ko. When I saw her, my pretty bestfriend ay pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko nang hindi sinasagot ang tanong niya.

Kumakain pa ako ng spaghetti eh. Istorbo naman!

“Hoy! Tinatanong kita!"

Kaagad naman umangat ang balikat ko. Nasapo ko pa ang dibdib ko at bahagyang naubo nang muntik na akong mabilaukan dahil sa biglaan pagsigaw ni bf.

Napasimangot ako tsaka nilingon ang babae sa gilid ko.

Did she really have to shout?

Daig niya pa nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses niya. Pakiramdam ko tuloy nabasag ang eardrums ko.

“Do you really have to shout?” nakangusong sabi ko saka sumimangot. “Nakakagulat ka kaya!” parang bata na reklamo ko.

Inirapan niya naman ako. “Paanong hindi ako sisigaw eh kanina mo pa ako hindi pinapansin,” inis na asik niya. Naupo siya sa tabi ko saka nagtanggal ng sapatos. “Anyway, what’s your plan pala?” biglang tanong niya nang ako nililingon.

Nangunot naman ang noo at napaisip tungkol sa sinabi niya. Anong klaseng plant naman kaya iyon?

Ang alam ko nakumpleto na namin lahat ng requirements para maka-graduate. Para saan naman kaya iyong plant na sinasabi niya?

Kinalabit ko siya. “Bf, anong plant ‘yong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko. Wala kasi talaga akong maalala.

Natigilan naman siya sa ginagawa niya at nilingon ako. Nagkatitigan kaming dalawa. I saw her eyes widen in disbelief na para bang may narinig siyang hindi kanais-nais habang ako ay nanatiling nangingiti ang mata na animo’y nagpapacute.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko, kaagad na dumapo ang kamao niya sa bunbunan ko at malakas na kinaltukan iyon.

“Aray!" mangiyak-ngiyak na sabi ko at marahang hinimas ang nasaktan kong ulo. Napasimangot ako lalo habang siya ay napailing-iling habang nakahawak sa kaniyang sentido.

SEDUCING MY BOSS [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon