Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"May sinabi ka? ha? Tigre girl? " lakas ng tenga din nito ah.

"Oo ang sinabi ko malas ako!" sigaw ko sa kanya.

"Malas ako dahil ikaw pa kasama ko dito!" napabuntol hininga ako.

"Mas malas kaya ako! Psh. ikaw kaya tong malakas humilik at tulo laway tuwing natutulog eh!" waa! Sama talaga nito!

"Di totoo yan nuh!"

"Weeh? Baka gusto mo pakita ko pa sayo at sa iba ang picture mong umuulan ng laway pagnatutulog." he formed an evil grinned. Sana di siya seryoso! Nakakahiya naman yun pagnakita ng iba.

"Oh. Kita mo to? Kita mo to?" tinaas niya sa harap ko ang cellphone niya pero agad naman binalik sa bulsa niya.

"Kainis ka delete mo yun!!" huhu.

"Ayoko ko nga, akin na ang larawan na ito forever." naka smirk niyang sabi.

" Delete mo yan!" angil ko ulit.

"Papakita ko to sa iba muhaha! Lalo na kay Alex! Haha!" sinamaan ko siya ng tingin.

Buti na lang habang tumatawa siya, may naiisip akong crimen na ginawa niya din. Hehe. Tinignan ko siya with confidence tsaka nagcross arm.

"Sige pakita mo yan sa iba. At isisiwalat ko naman sa kanila ang kahihiyang ginawa mo sa mall kahapon! Mwuhahahaa!" tumawa ako ng malakas dahilan para uminis din mukha niya. Hehe I can play this game too Mr. Shing-Wa!

"DONT. YOU. DARE." pilto niyang sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh I will." lalong nainis mukha niya! Hahaha!

"Alam mo kung ano sasabihin ko?" huminga ako ng malalim.

"Na ang isang kinikilala nilang leader, captain at nakapagmana ng Shing-Wa buisness nakipagagawan sa isang bata sa gitna ng mall, DAHIL ADIK ITO KAY ST--asdfghjk"

Agad siyang lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Okay okay! Di ko na papakita!" tumawa lang ako kahit nakatakip ang mabango niyang kamay sa bibig ko. Halatang nahihiya ang mukha niya. Hehe Naisahan ko siya. Akala mo ah.

"Captain hinahanap na kayo nina Ja--" Agad akong kumalas sa takip ni Kendall.

Mukhang nagulat naman si Kurt ng nakita niya kami. Kasi naman eh!! Pagbukas nito ng pinto, tumumbad sa kanya ang pwesto namin ni Kendall, na sa likod ko siya habang ang kamay niya nakapalibot at nakatakip sa bonganga ko.

Huhu. Kung ano naman siguro iniisip nito ni Kurt.

Nagkatinginan muna kami ng ilang segundo, parang nagwakward bigla..Si Kurt naman nakatayo sa pintuan habang napakamot sa ulo.

"Di ba usong kumatok sa inyo Kurt?!" inis na sabi ni Kendall.

"Ah..hehe...sorry naisturbo ko kayo ah este! Na ano..na gam-- ah basta hinahanap na kayo!" pautal utal niyang sinabi, pero bakas naman sa mukha niya na gustong niyang tumawa.

"Oo na! Umalis ka na. Layas! Susunod na kami." umalis din siya.

"Mauna na akong lalabas." sabi ko.

"Teka..lalabas kang naka short?" humarap ako saanya. Problema nito? Ano gusto niya, mag pajama sa beach?

"Oo naman bakit?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah no...kasi..ah..ang itim kasi ng legs mo! Haha! Baka pagtawanan ka lang! Kawawa ka naman haha!!" tumawa ulit ito na parang baliw. Hmp! Inirapan ko siya at umalis na ng kwarto, kesa sa makipag usap sa pa walang sense na nilalang yan.

Ayus din siya maglait sa akin nuh? Araw araw may bago.

Paglabas ko ng hotel, napansin ko na unti-unti na pa lang lumulubog ang araw. Napadaan ako sa garden na puno puno ng magaganda at kukulay na bulaklak. Huminga ako ng malalim.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon