Chapter 12.5 - Practice

3K 87 9
                                    

Dedicated to: rhanskieee. I noticed that you recently added my story in your reading list! Maraming salamat sa suporta! 


***

CHAPTER 12.5 - PRACTICE

CHAIIRA'S POV


"Wait, what?!" 


Hindi ko napansin na napataas ako ng boses dahilan para marinig ng mga kaklase ko ang sinabi ko. I could feel all their eyes on me, including Maximilian Porsche. 


Napakunot ako ng noo. Narinig naman ni Max ang announcement ah? Bakit hindi siya nagreklamo? Sa sobrang gigil, naikagat ko ang ibaba kong labi at tinignan nang masama si Max. Is this some part of his scheme? Alam niyang ayaw ko sakanya kaya hinahayaan niyang maging ka-partner ko siya. Parte ba 'to ng blessings? Kasi kung oo, I'd rather deal with the prank type of blessings kesa sa makasama ko siya. 


"Yup, 'di niya nga napansin," rinig kong bulong ni Ate Clarisse. I looked at her and mouthed thank you. Tumayo ako para tumungo sa instructor namin. Magrereklamo ako pero hindi katulad ng way ng pagrereklamo ni Max - yung tipong walang respeto. I'm not like him, and I will never be like him. 


Napansin ata ng instructor na papunta ako sakanya kaya nakatingin na siya sa akin. 


"What's the problem, Miss Pendleton?" Tanong niya, still with an authoritative tone pero yung kalmado naman ang itsura. I looked at him, trying to relay without saying anything pero mukhang hindi niya naman na-gets. 


Well, duh, Chaiira! It's not like you have telepathic powers or something. 


Napailing-iling ako at napatingin muli sa instructor namin na nakatingin din saakin, naghihintay ng sasabihin ko. 


"The thing is, I don't like my partner." Reklamo ko in a calm state. Mas maganda nang sabihin nang mas maayos para hindi magalit sa akin yung instructor. Mahirap na, ayokong mapahiya. 


 "And the reason is?" 


First of all, I don't like the guy and he is seriously nuts. Iba kami ng prinsipyo sa buhay at iba ng paniniwala, and I don't think I can handle the person. So, kung pwede bang ibang partner na lang, mas matutuwa pa ako? Please let me enjoy this, kahit isang beses lang. 


"Miss Pendleton!" Rinig kong tawag sa akin ng instructor namin. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya, imagining I was actually saying those pero sa totoo, 'di ko magawa. Napailing-iling ako. These repressed emotions, really. 


"And the reason is? Please just tell me what you need! You're wasting our time!" 


"I don't like my partner because it's Max Porsche." Dire-diretso at walang pag-aalinlangan kong sinabi ang litanyang iyon. Everyone gasped in unison. Sakto lang kasi ang pagkakasabi ko para marinig ng lahat ang sinabi ko. Nakataas kasi ang boses ng instructor. Ayaw ko pa naman nang tinataasan ako ng boses, lalo na kung kinakausap ko naman nang maayos. 

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon