Saka, sabi niya kagabi baka hindi siya makauwi ngayong araw, ‘di ba? Baka. Bakit hindi ko naisip ‘yun?

“Manang Pitring?” Nagulat ako nang sabihin ‘yon ni Arvin. Naglakad siya papunta kay Manang Pitring at nagmano kay manang. “—Mabuti naman at nakauwi na kayo.”

Kakaiba ang nakita kong ngiti kay Manang Pitring nang hawakan niya sa likod si Arvin. “Mabuti naman. Pumasok na muna tayo sa loob,” aya ni Manang.

Sabay silang napatingin sa ‘kin. Luminga-linga naman ako para kumpirmahin kung sa akin ba talaga sila nakatingin. Saka lang rumehistro sa isipan ko ang susi. Natawa ako bago naglakad papunta sa gate at sinusian ang bahay.

Bumaba na ako ng hagdan matapos kong painumin ng gamot si Arvin. Kasalukuyan na siyang nagpapahinga sa kwarto, siguradong pagod ‘yun.

“Thank you.”

Paulit-ulit kong naririnig ‘yon sa isip ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Huling salitang sinabi ni Arvin bago ako lumabas ng kwarto niya. Bukas kaya, balik halimaw na ulit ang ugali niya? Hindi na marunong mag-sorry, mag-thank you, matigas ang ulo tuwing iinom ng gamot at magiging malungkutin ulit?

Nadatnan ko si Manang Pitring sa mesa, nakaupo. May dalawang baso ng kape. Nakangiti siya sa akin.

“Kamusta, Julie?”

Umupo muna ako sa tapat ni Manang Pitring bago sumagot. “Ayos lang po. Kanina pa po ba kayo sa labas ng gate? Pasensya na po, ha? Hindi ko kasi alam na darating po kayo.”

“Ayos lang, hija. Tumawag ako sa telepono ni Arvin kanina, kaso wala namang sumasagot.”

Dahil nasa mall po kami, sagot naman ng isipan ko.

Uminom ako ng kaunti sa kape at ibinaba ang baso. “Nabanggit niyo po kagabi na… hindi kayo makakauwi ngayon, ‘di ba po? Bakit po kayo napauwi ng biglaan?” usisa ko.

Uminom din si Manang Pitring sa baso niya, hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi. “Maaga namang natapos ang selebrasyon ng anibersaryo ng anak ko ngayong araw, kaya nagpasya narin akong umuwi.”

Ah, dumalo pala si Manang sa anibersaryo ng anak niya. Dalawang araw?

Nakangiti at hindi natatanggal ang tingin sa akin ni Manang Pitring, na para bang may gusto siyang sabihin ako. “Saan naman kayo galing ni Arvin, hija?” sabi niya bago ibaba ang baso sa mesa.

Sabi na nga ba, itatanong ni Manang Pitring ito.

Napakagat ako sa labi, lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maalala ang mga nangyari kanina. Hindi, hindi lang kanina. Simula pa kagabi. Hindi ko na namalayang matagal pala akong natulala kaya napakamot ako sa ulo nang mapatingin ako kay Manang Pitring na naghihintay pala ng sagot ko.

“Ah—sinamahan ko po siya sa mall.” Sinubukan kong itago ang kakaibang nararamdaman ko.

“At?”

“Binilhan niya ako ng mga damit, kumain kami sa restaurant, sumakay sa rides at binigyan niya rin ako ng mga regalo.” Napangiti ako, pigil lang. Kailangan ko pa bang sabihin lahat ‘yon? Mabilis ko ring pinagsisihan ang mga nabanggit ko.

Tumayo si Manang Pitring at nilagyan pa ng kape mula sa teapot ang baso niya. “Alam mo, Julie, hija, hindi ako nagkamaling ikaw ang makakabago kay Arvin,” nakangiting sabi sa akin ni manang. Nakaramdaman naman ako ng saya sa aking sarili. “Nakita mo naman, hindi ba? Nagkakasundo na kayo ni Arvin. Sa ilang taong dumaan sa buhay ko na kasama ko siya, ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganyan. Kaya, salamat Julie,” maamo at puno ng konsiderasyong sabi ni manang.

“Manang Pitring, hindi ko naman akalaing magbabago rin si Arvin pagkatapos ng… dalawang taon niyang pagiging halimaw.” Sabay kaming natawa ni Manang Pitring. “—At natutuwa akong malaman na nagsisimula nang bumalik si Arvin sa dating siya.”

Bumalik si Manang Pitring sa pagkakaupo. “Alam mo, Julie, ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Arvin. Natatandaan ko rin na matagal na simula nang makalabas si Arvin at makapasyal. Kasama ka pa niya ngayon.” May nanunuksong ngiti si Manang Pitring na alam ko na ang ibig na sabihin pero minabuti kong ‘wag bigyang-pansin iyon.

Bago pa man ako makapagsalita, naunahan na ako ng paghikab. Natawa si Manan Pitring sa akin.

“O, siya, siguradong pagod ka ngayon, hija. Umakyat ka na sa itaas at magpahinga.”

Magaan ang pakiramdam ko ngayon, sobrang daming bagay ang nangyari. Nauna na akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Hanggang sa nakahiga na ako sa kama, iniisip ko parin ang lahat ng nangyari sa nagdaang dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw na wala si Manang Pitring, nagbago si Arvin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Niyakap ko ang teddy bear na ibinigay niya kanina. Sana, gan’on parin si Arvin bukas.

***

Please and please and superb please leave a vote and comment after reading! It's super duper important hihi. Thank you soooo much! You're the best guys! :*

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now