"Salamat, Mahal Ko!"

1K 6 0
                                    


Salamat sa sandaling tayo'y nagkasama
Puso ko'y umiindak-indak sa tuwa
Di maipaliwanag ang ligayang nadarama
Nais na hagkan ang iyong maamong mukha.

Tulad ka ng tubig na tamihik ng natutulog
Ang pag-ibig ko sayo'y tahimik ding nahuhulog
Alam kong mahirap sungkitin ang mga butuin sa kalangitan
Ngunit mga mata mo'y palihim na nakatingin sa aking kagandahan.

Sana'y h'wag kang magbago
Ako pa rin sana ang tinitibok ng iyong puso
Kahit mga mata mo'y nakatingin sa malayo
Sigurado akong pagmamahalan nati'y isang dakilang hukbo.

Isang araw mga puso nati'y sabay na mag-aawitan
At kaluluwa nati'y sabay na maglakbay sa kalawakan
Asahan mong di kita iiwan kailanman
Pagkat ikaw lamang ang tanging laman nitong aking isipan.

Kung ikaw ma'y ilayo sa akin ng tadhana
H'wag mo sanang kalimutan ang alay kong harana
Pagkat tibok ng puso ko'y sing lakas ng makina
Di ko kaya ang mawala ka sa piling ko sinta.

Maraming pagsubok man tayong pinagdaanan
Muntik man nating nakalimutan ang nakaraan
Ngunit lahat ng bagyo ay ating nalagpasan
Dahil sing tibay ng isang haligi ang ating pagmamahalan.

Salamat dahil nakilala ko ang isang katulad mo
Tunay na may puso at determinado
Mapagmahal at tanggap ang buong pagkatao't kaluluwa ko
Asahan mong mamahalin kita higit pa sa buhay ko.

- December 1, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon