Chapter 1

198K 2.7K 112
                                    

Kabanata 1: Visitor

HINDI ko inaalis ang tingin sa taong kaharap ko na ngayon ay nakaupo sa sofa. Matiim ko siyang pinagmamasdan, sinusubukang hulaan kung ano ang sadya niya sa akin. Nakakabigla kasi ang biglaan niyang pagpunta.

"Ano ang sadya mo? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira, Dad?" tanong ko matapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

"Ipinahanap kita, Sassy." Umayos siya ng upo at itinuon ang tingin sa akin habang ako ay nakatayo lang dito sa harapan niya. "At kaya ako nandito ay para sabihin sa 'yong bumalik ka na sa bahay."

Nabigla ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. A smile crept on my lips. "T-talaga, Dad?"

"Yes, but on one conditon."

Kung gaano kabilis na lumitaw sa labi ko ang ngiti ay ganoon din ito kabilis na naglaho. Bumagsak din ang mga balikat ko. "Condition?" pag-uulit ko sa sinabi niya. "Anong kapalit?" nawalan na ng buhay ang boses ko.

Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng maliit kong bahay. Bakas sa mata niya ang panghahamak. "Alam kong nahihirapan ka na sa ganitong buhay, lalo na't hindi ito ang kinalakihan mo. Ni hindi ka nga sanay na magtrabaho."

"Oo, nahirapan ako. At alam mong dahil 'yon sa 'yo. Dahil pinalayas mo ako!" puno ng pakla kong sabi.

Mahina siyang natawa na nagpapantig sa tainga ko. Anger run through me. Tila nasisiyahan pa siyang makita ang naging buhay ko matapos niya akong itakwil bilang anak niya.

"Kung sumunod ka lang sa akin noon, malamang ay wala ka rito sa kinalalagyan mo ngayon," may panunuya sa boses niya.

Napangisi ako at napailing. "Deretsuhin mo na lang ako. Alam kong may kailangan ka sa akin kaya ka nandito. Hindi ka naman babiyahe ng higit pitong oras para hamakin lang ako."

Bahagya siyang napailing sa sinabi ko. "Sige, dederetsuhin na kita," bigla siyang sumeryoso. "Ibabalik kita sa bahay at muli mong makakasama ang kapatid mo, pero ang kapalit ng bagay na 'yon ay kailangan mong magpakasal."

My lips parted in shock. "Nababaliw ka na ba?" unang mga salitang lumabas sa bibig ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because you need to," nagbuga siya ng hininga. "Nalugi na ang business natin. Nabaon na rin tayo sa utang sa banko at sa mga kaibigan ko, bukod doon ay may malaking halaga pa ng tax ang hindi nababayaran-"

"At ipapakasal mo ako isa sa mga businessman na kakilala mo para gawing pambayad ng utang? Para muling maibangon ang business mo, tama ba?" pangpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Hindi ko na kailangan siyang patapusin sa pagsasalita para malaman ang pakay niya sa akin. Alam ko kung paano tumakbo ang ganitong industriya.

Marahan siyang tumango na nagpatawa sa akin ng mapakla. Ano ba ang akala niya sa akin? Isang bagay na puwede niyang ipambayad utang? Anak niya ako, anak niya at hindi isang bagay lang!

"Kung 'yon lang naman pala ang pakay mo sa akin, makakaalis ka na. Hindi ako papayag na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal o kahit kakilala man lang. Hindi ako papayag na gawing pambayad ng utang mo." Sambit ko na nakapagpatayo sa kanya mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Don't be so selfish, Sassy!" bahagya pa akong nagulat dahil sa pagtaas ng boses niya. "Hindi mo man lang ba iniisip kaming pamilya mo? Hindi mo man lang ba iisipin kung ano ang mangyayari sa amin kapag tuluyan na kaming nabaon sa utang?"

I let out a sarcastic laugh. "Pamilya? Ang pagkakatanda ko ay higit tatlong taon ang nakakaraan nang mawalan ako ng tinatawag mong pamilya. Kaya't sinong pamilya pa ang aalalahanin ko?"

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon