Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiiwasan ni Chloe ang binata. Tulad ngayon, naglalakad siyang mag-isa sa corridor ng management department, dahil may binalikan siyang gamit na nakalimutan niya sa classroom nila.

Napahinto siya sa paglalakad ng makitang nakatayo sa harapan niya si Warren. Huli na para iwasan ito. Nakatingin ito sa kanya, kaya lakas loob na lang niya itong sinalubong. Huminto siya sa harapan nito.

"W-warren." Kinakabahang wika niya.

"May problema ba tayo?" Bungad nito sa kanya.

"H-ha? A-ano.. k-kasi.." God! Bakit ganito kahirap?

"K-kasi..."

"Kasi ano?!" Hindi na nagawang pigilan ng binata na hindi magtaas ng boses. Dahil sa totoo lang hindi niya na alam ang nangyayari. Noon akala niya dahil sa nangyari sa kanila kaya umiiwas ang dalaga sa kanya. Marahil nahihiya ito kaya kailangan muna nito ng space. So he gave her that. Hindi niya muna ito ginulo. But, it's been almost two weeks. At hindi niya alam kung bakit ganito. And they need to talk.

"Look, I'm sorry for shouting." Hinging paumanhin ni Warren. "But, please, sabihin mo sa akin anong problema."

"A-ayoko na." Napakahirap sabihin.

Nangunot ang noo ng binata, hindi niya yata naintindihan.

"Ano? Anong ayaw mo na?" Nalilitong tanong pa niya.

"Let's break up!"

Tila nabingi si Warren sa narinig.

"Chloe! Anong let's break up?!" Tumaas ulit ang boses niya.

"Ayoko na! Break na tayo!" Hiyaw din niya. Mabuti na lang walang tao sa paligid dahil uwian na din naman.

"A-ano? P-pero... b-bakit? Hindi ko maintindihan." Nalilitong tanong ni Warren.

"Anong mahirap intindihin sa ayaw ko na?"

"Ayaw mo na? Ganoon na lang yon? Basta ayaw mo na? No! Ayoko! Hindi ako papayag!" Umiiling na wika ng binata. Nasasaktan siya, parang pinipiga ang puso niya sa sakit.

"Pero ayoko na! Intindihin mo ako!"

"Hindi ko nga maintindihan! Kaya ipaintindi mo sa akin!"

"Hindi na kita mahal!"
Tila libu-libong patalim ang tumusok sa puso niya pagkasabi niya ng kasinungalingang iyon. At tila lalong ibinaon ang mga patalim ng makita niya ang sakit na rumehistro sa mukha ni Warren.

"H-hindi... h-hindi t-totoo yan!" Umiiling si Warren. Hindi totoo ang narinig niya.

"Totoo! Or baka nga hindi naman talaga kita minahal. Siguro na-excite lang ako na may isang katulad mo na nakilala ko."

"Isang katulad ko?"

"I mean, iba sa mundo ko. You see, napakalayo ng istado ng buhay nating dalawa. Sa mga nakita ko, napatunayan ko na hindi ka nababagay sa akin."
Ikaw lang! Ikaw lang ang nababagay sa akin! Sigaw ng isip niya kabaliktaran ng mga sinasabi niya.

Hindi makapaniwala ang binata na naririnig niya mula sa dalaga ang mga salitang iyon. At kakaibang sakit ang nararamdaman niya. Para siyang pinapatay.

"Pero masaya naman tayo db? Sabi mo gusto mo yung mga ginagawa natin. Sabi mo kahit simple lang, masaya ka. Kontento ka na doon, basta kasama mo ako." Hinawakan ni Warren sa balikat ang dalaga.

Yes! Kontento na ako don! Basta magkasama tayo. Pero, hindi pwede. Hindi tayo pwedeng magsama. Hindi sa ngayon.

"Well, I guess, I am a good actress!" Sa halip ay sagot niya. "Dahil napaniwala kita. Sa tingin mo talaga, gusto ko yon? Ha!" Nakataas ang kilay saka hinawi ang kamay ng binata na nakahawak sa balikat niya. Saka tumalikod upang iwan ang binata. Hindi na niya kayang makita ang sakit na nakikita niya sa mukha ni Warren.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likod. Saka sinubsob ang mukha sa leeg niya.

"N-no, C-chloe! Please, don't do this. Hindi totoo yon db? Mahal mo ako." Gumagaralgal na pakiusap nito. Naramdaman din niyang yumuyugyog ang mga balikat nito at unti unting nababasa ang balikat niya. Kasabay niyon ay ang pagtulo din ng luha ng dalaga.

Agad niyang pinunasan ang luha saka galit na inalis ang kamay nito na nakayakap sa kanya. Saka muli itong hinarap.

Nagpakatatag siya na tignan ang binata kahit tila pinipiga ang puso niya na nakikitang umiiyak ito.

"Please, sweetheart. Huwag ganito oh! Promise, magsisikap ako. Gagawin ko lahat para maibigay lahat ng gusto mo. Basta wag ganito." Pakiusap pa nito, tinangka pa siyang hawakan ng binata. Pero umiwas siya.

"Tama na! Hindi ako masaya sayo! Ayoko sayo! At kahit kailan hindi ako magmamahal ng isang kagaya mo! I'm just pretending all along! I'm just curious, that's all! And you're too stupid to believe na bagay tayo!"

Unti unting nagsisink in ang lahat kay Warren na hindi biro ang lahat ng ito. Na totoong nangyayari ito. Bahagyang napaatras si Chloe nang makita niya kung paano unti unting napalitan ng galit ang sakit na makikita sa mukha ni Warren, pati ang pagsingkit ng mga mata nito. Nakadama siya ng takot.

"So lahat pagpapanggap lang?" Nakatiim bagang na tanong nito, but deep inside he wished that Chloe would say no. Pero bigo siya nang makitang tumango ang dalaga.

"So, pati yung nangyari sa atin? Ano yon? Wala lang? No! Don't answer it." umiiling-iling pa na wika ni Warren. "Naiintindihan ko na. You insisted it to happen. Part of your curiousity. Ngayon ko pinangsisisihan na nagpatangay ako. But I hope I've met your expectations. Sana nasatisfied ka." Mariin wika nito.

No! Don't say that! Sigaw ng isip niya. Gusto niyang tutulan ang sinasabi ng binata. That was the most wonderful thing that happened. Ang ibigay ang sarili sa binata. At kahit kailangan hindi niya pagsisisihan ang bagay na yon.

"Well, I can give you that. You're good. Thanks for the experience." Sa halip turan niya. Saka tuluyang tumalikod at naglakad. Hindi na niya kayang pigilan pa ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Pero bago pa man siya makalayo ay narinig na niyang nagsalita ang binata.

"Bitch!" Tawag nito sa kanya sa galit na tono. And it hurts! Bitch? Well she deserved it. Hindi na siya lumingon, dahil panay na ang tulo ng luha niya. Nanatili lang niyang nakatayo, waiting for whatever he would say.

"One day, makikita mo kung gaano ako katagumpay! At pagsisisihan mo na pinakawalan mo ako. Tandaan mo yan!" Hiyaw nito.

Ngayon pa lang pinagsisisihan ko na, sweetheart.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya sa sobrang sakit! Kaya nagmamadali na siyang naglakad palayo. Away from the only man that she promised to love forever.

****

-A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked my story, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!