Chapter 8

2.9K 260 35
                                    

Daretso ako sa practice after naming kumain. 

Actually ganado ako ngayon dahil kay Ms. Salt. Well, I just admitted that i like kissing her — maybe we both know it's more than that. 

Tumalon si Shadow sa last bars, it's easy and very smooth. 

"Good boy." Tinapik ko ang batok nya. "Mananalo tayo sa competition next month dahil sayo."

Sumagot si Shadow by whining. 

Natawa ako. "I trust you."

"Cake!" 

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Blare. Nakatayo sya sa labas ng obstacle course at kumakaway kaway pa sakin. 

Anong ginagawa nya dito?

I squeeze Shadow with my legs so he run faster papunta kay Blare. 

"Blare?" Sambit ko ng malapit lapit na ako sa kanya. "Sasali ka?"

She shake her head. "Ah no." Ngumiti sya sakin. "Nabalitaan ko kasi na may practice ka, so i decided to watch sana." 

"Oh." I believe her. "We just finished practicing."

"Na late pala ako." Blare chuckle. When the sunlight reflect in her eyes — they are so dark. "Anyway, may gagawin ka ba after?"

Gumagalaw si Shadow. He is bother. "Wala naman. Bakit?"

Blare look shy. "Magpapasama sana ako sayo." 

Pagkababa ko kay Shadow ay bigla itong tumakbo palayo sakin nang maka face to face nya si Blare. "Shadow!" 

"Natakot ko ata sya." Natatawa nyang sabi sakin. 

"He is just being weird." Katwiran ko na nakatanaw parin kay Shadow na kasam na ang ibang kabayo. "Teka saan ka magpapasama?"

Grabe ang titig ni Blare sakin kaya medyo naself-concious ako. "Kakalipat ko lang kasi dito at wala pa ako masyadong gamit sa bahay."

"Lipat?" Tanong ko. 

She smile at me. "Yes, galing ako ng US."

"Ikaw lang ba?"

"Oo." Sagot nya at hinawi ang bangs na nasa noo nya. "I'm alone and I'm loving it."

We both laugh.

Tinanggal ko muna ang helmet ko. "Must be fun now hu?" 

Nagkibit balikat si Blare. "It is. Masyado lang kasing strict ang parents ko but my older brother will visit this month to check on me."

"That i can relate." And i look straight at her. "So how will i help you?" 

Blare has s thoughtful look. "I want to buy some tableware, towels, groceries — because I'm tired of fastfood."

"Sure, I'll help you." Sabi ko. Because why not? Blare is now a friend to me. 

"So can we go now?" 

Sasakyan ni Blare ang ginamit namin at babalik nalang kami mamaya sa school para sa kotse ko. Sa pinakamalapit na department store kami pumunta. 

Medyo maraming tao since malapit na ang pasko. 

Alam nyo naman ang mga Pilipino, September 1st palang ay pasko na. 

Sinadya namin ang bilihan ng tableware. 

Kumuha ako ng isang plato. "Isa lang ba?"

"Kahit tatlo." Sagot nya. "Baka kasi maisipan nyong magsleep-over sa bahay ko eh. Mas okay na ang handa." 

Moon Lovers ( Lesbian )Where stories live. Discover now