BANAT (Batch 13)

634 10 4

Banat # 101

ABA MATINDE (Part IV)

May 7, 2014

Hindi man kita nasasamahan

Madalas natutulugan.

Paggising mo, aking susubukan.

May banat na mabubungaran.

Kagabi, pag-uusap di man kagandahan.

Umaasa na ngayon magkakaayusaan.

Naapektuhan, pag ikaw nagkakaganyan.

Sana ako'y pagkatiwalaan.

At di pagdudahan.

Madami man ang nakikilala at kaibigan.

Ikaw di mapapantayan.

Di ipagpapalit kahit kanino man.

Puwede bang ako'y pagbigyan.

Wag ipagkait kasi ito aking kasiyahan.

Pagiging makata di ko titgilan.

Kasi ito lang ang alam kong paraan.

Tanggap ko na sa iba ikaw nakalaan.

.........Hindi ako titigil, kasi dito ako masaya.

Banat # 102

ABA MATINDE (Part V)

May 10, 2014

Panibagong umaga.

Sa banat, eto napapaisip na.

Ilang araw ding hindi nakagawa.

Kasi sinapian ka.

At sa akin nagalit ka.

Nakapagtataka.

Di ko mawari, bakit ba?

Pag ikaw naiisip, napapabanat bigla.

Pag-ibig o paghanga ba?

Kahit alin pa sa dalawa.

Basta ang mahalaga, napapangiti ka.

Madalas man na ikaw parang bata.

At sa akin nagtatampo bigla.

Pangako, di ako magsasawa.

Ang suyuin ka at iyong makita.

Madama na ako'y seryoso sinta.

Maubusan man ako ng salita.

Di man perpekto ang gagamiting letra.

Di kailangang humanga.

Mapasaya ka lang at wala ng iba.

Kahit hanggang pantasya.

Kuntento't wala ng mahihiling pa.

Wag ka lang mawawala.

BAnat # 103

May 14, 2014

Naiisip na naman kita.

Lalo at malapit na.

Araw na itinakda.

Patunay na ako'y wala nang pang-asa.

Pagka't sa kanya ka na.

Kahit ganun, sana walang magbabago.

Wala man akong magagawa dito.

Sana kahit konting oras mo.

Kabahagi ako.

Banat #104

ABA MATINDE (Part VI)

May 14, 2014

Pangarap ko ang yakap mo.

Tiyak magpapanginig ang katawan ko.

Magpapaliwanag sa gabi ko.

Magpapangiti sa labi ko.

Kung pagbibigyan lang ako.

Ipagpapalit kahit ano.

Kahit isang segundo.

Makasama na, ikakasaya ko.

Di man kasing - gwapo.

O kasing kisig ng iyong ginoo.

Isa lang ang maipagmamalaki ko.

Sa banat ako ang panalo.

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!