Chapter 14

[Darren's Heart]

Isinantabi ko muna yung kakaibang nararamdaman ko. Sana nga lang mawala na 'to.

Marami na kaming nasakyan na rides ni Aerith pero yung hindi ganoon ka-delikado para sa health niya.

Mga 7pm na at napagpasyahan namin na sumakay na ng one last ride at yun nga ang Ferris Wheel.

"Yayyyyy!!!! Wheeeee paakyat na tayo!!" sigaw ni Aerith nang nasa loob na kami nung cart.

Napatingin na lang ako sa night view ng city.

"Renren...." tumingin ako sa kanya nang bigla niya kong tinawag, seryoso ang mukha niya kaya medyo nag-alala ako.

"May masakit ba??" tanong ko.

"W-wala...." sabi niya at nginitian niya ko kaya medyo kumalma ako.

"Eh di ano?"

"May gusto lang akong sabihin. Hehe..." sabay kamot niya sa ulo niya.

"Ano?"

"Alam mo Renren, lagi na lang pala tayong magkasama. Hahaha"

"Ngayon mo lang napansin?" sabay ngisi ko.

"Shhh! Don't interfere! Patapusin mo muna ako!" tapos ay hinampas niya pa ko sa braso.

"Fine..." nagbuntong hininga muna siya bago siya magsalita ulet.

"Ayun nga, lagi tayong magkasama... So I just want to ask a favor at isang beses ko lang sasabihin 'to..." at nagbuntong hininga ulit siya.

'Don't fall in love with me.'

Hindi ko narinig yung favor niya dahil pareho kaming napatingin sa labas dahil biglang lumitaw yung fireworks.

"Anong sabi mo? Di ko narinig eh!" sigaw ko.

"Secret! Bleeeehhh bingi!" aba't binelatan pa ko.

"Baliw ka talaga--" natigilan ako nang bigla niya kong niyakap. At parang naramdaman ko na nababasa na yung balikat koㅡ umiiyak siya?

"Hoy Aerith, anong problema? Hoy bawal kang mastress!" pag-aalala ko.

"Eh kasi.... sobrang...napalapit ka na sa 'kin... As in sobra, ang saya-saya ko pero...Ba't ganun... Ayaw ata ng tadhana na maging masaya ako forever?" binitiwan niya ang mga salitang yun sa gitna ng hikbi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya kaya hinimas ko na lang likod niya. This is the least that I can do for her.

"Shhh..." pinapatahan ko siya dahil tuloy-tuloy pa rin mga luha niya kaya kumalas ako sa yakap at pinunasan mga luha niya.

"Ang pangit mo pag umiiyak ka, tahan na, malapit na tayo bumaba." tapos ay ginulo ko buhok niya.

It was definitely an unforgettable day.

---------

"Andyan na ba sila tito at tita?" tanong ko nang makarating kami sa harapan ng bahay nila.

"Wala pa eh, mamayang madaling araw pa sila." sabi niya habang kinakalikot niya cellphone niya.

"Sige na, pumasok ka na."

"Umalis ka na muna, pag nakaalis ka na dun na lang ako papasok."

"Hindi, delikado na oh, kaya mauna ka na." pagmamatigas ko pero tinawanan lang niya ko. Tss

"Opoooo~ Sige bye na!" kumaway siya sa 'kin at tumalikod na.

Pero konting hakbang palang ay huminto siya bigla.

"Oh bakit?" tanong ko at humarap siya sa kin.

"Nakalimutan kong mag 'thank you' sayo."

"Hindi mo naman kelangan magpasalamat sa 'kin eh---" nagulat ako nang bigla siyang tumakbo papalapit sa kin at hinalikan ako sa pisngi....

Sa sobrang gulat ko napahawak ako sa pisngi ko at naspeechless lang habang gulat na gulat na nakatingin sa nakangiti niyang mukha.

"Renren.... Salamat talaga sa lahat ah... Sana maging friends tayo hanggang sa mamatay ako. Sana wag mo kong iwan ah? Ako dapat mang-iwan sa 'yo---hehe joke lang. Pero seryoso salamat ah?" di ko namalayan na pagkatapos niyang magsalita ay nakatakbo na siya sa may gate at nakapasok na siya sa bahay nila.

Samantalang ako, parang tangang gulat na gulat sa pangyayari. Wala namang malisya.

Pero bakit kaya ganun si Aerith... hindi kaya...? Tss, who am I kidding... it's the other way around.

F*ckin' impossible dude.

Hindi 'to pwede.

Hindi talaga.

Problema lang 'to pagdating ng araw.

Kailangan ko nang itigil 'to.

Para sa sarili ko at para na rin kay Aerith.

-------------

[Aerith's Heart]

"Don't fall in love with me."

AHHHHH!! Naalala ko na naman yung mga words na nabitawan ko kanina! Nakakahiya pala ohmygod!!! Buti na lang di niya narinig!! Sheeemayyyy!

On top of that, kiniss ko pa siya sa cheeks! AHHHHHHHHHH OH MY GOODNESS WHAT WAS I THINKING???

Hahahaha I'm so pathetic di ba? Pero okay na rin 'to. Para walang masaktan. Except for me.

Tsaka pffft imposible naman na magkagusto sa kin si Darren di ba?

Kaya itatago ko na lang 'to.

Itatago ko ang katotohanan na may nararamdaman ako para sa kanya.

Mas mabuti kung ako lang nakakaalam. Less talk, less mistakes.

Ayokong magkamali na sabihin ko sa kanya yung feelings ko tas mapilitan siya na magustuhan ako dahil nga may sakit ako. Ang pangit lang tignan di ba? Pareho lang naming lolokohin sarili namin, pareho lang kaming masasaktan kung ganun.

Off-limits ika nga.

Hanggang dito lang kami.

Hanggang dito lang talaga.

--------------------

Votes and Comments are highly appreciated! ♥

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!