Outbox Special Chapter: Towards Happily Ever After

Start from the beginning
                                        

"Ehh, baka pagalitan mo nanaman ako eh." Isang Linggo ko na rin kasi siyang hindi nakikita, ano nanaman kayang ginawa nitong isang 'to.

"Lucas, anong meron? Bakit naman kita papagalitan." Binuksan niya ang camera niya at nakita ko nanaman si Hagrid ng Harry Potter.

"Lucas, di'ba sinabi ko sa'yo ayokong nagpapalago ka ng balbas at bigote mo, ayokong nagmumukha kang ermitanyo." ewan o ba kung saan galing yun, pero parang ang bilis-bilis lumago ng balbas ni Lucas, minsan nga ay ako na mismo ang nag-aahit sa kanya.

"Ehh, style naman 'to baby, eh di ka ba naiinlove sakin?" Nagpapaawa nanaman siya.

"Hindi, Lucas, wag nang makulit, hindi ako pupunta diyan kapag di ka nag-ahit." seryoso kong sinabi sa kanya.

"Sige na, sige na madaya ka talaga." Kinikilig talaga ako kapag nagpapa-cute siya sakin.

"Sige na, Kita na lang tayo mamaya." Nagpaalam na ako sa kanya.

"Sige, Di na ako makapag-hintay, may sasabihin ako sa'yo. I Love You, byebye"

"I love you too, kita na lang tayo mamaya." Binaba na niya yung tawag at kinuha ko na yung mga folder at phone ko para dalhin sa head yung mga report.

Habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, nakasalubong naman ako ng head namin na si Dr. James.

"Eileen, are you okay?" maya maya pa ay nakaramdam ako ng parang naduduwal ako.

"Sorry Ma'am I got to go the restroom for a second." Iniwan ko sa kanya ang mga folder, at kumaripas ng takbo sa banyo. hindi na ako nakapunta sa cubicle at sa lababo na nasuka. Nakita namana ko ng isa kong co-worker na si Jean.

"Engineer? Okay ka lang? Gusto mo dalhin kita sa Infirmary?" Um-oo na lang ako sa kanya dahil nahihilo talaga ako at hindi makakilos ng maayos.

Pagdating ko sa Infirmary ay agad ako chineck-up ng physician. at naka-idlip na lang bigla. Pag-gising ko ay bumungad sakin si Dr. Evangelista yung general physician sa office.

"Ano pong meron Doc?" Agad namang sumagot sakin si Dr. Evangelista.

"Stress-induced fatigue, lang naman Eileen, nothing major, although may possibility na baka buntis ka, delayed ka ba ngayong buwan?" Ngayong sinabi niya yun ay oo, delayed nga ako ngayong buwan. Akala ko ay may mali lang, pero actually last month pa talaga ako delayed.

"Opo, delayed po ako last month pa po. Does that mean po na."

"I'm not sure, pero gusto mo bang tignan natin?" Napa-tango ako although medyo kinakabahan na excited ako sa nangyayari, I mean kinakabahan kasi hindi pa naman kami kasal ni Lucas, pero excited kasi buntis ako, Magkakaroon na kami ng anak ni Lucas.

Sinala ako ni Dr. Evangelista sa hiwalay na clinic at nag conduct ng ultrasound examination, kung saan nakita ko na mayroon nga akong baby.

"Congratulations Eileen, magiging mommy ka na, six weeks old na yung baby mo." Napangiti naaman ako at nagpasalamat kay Dr. Evangelista.

Paano ko naman sasabihin kay Lucas 'to? Pagdating ko sa Lobby ay mag oout na dapat ako sa office ng matanaw ko sa waiting area si Lucas. Nag-ahit na nga siya. Tumingin siya sakin at ngumiti sabay kaway. Tumayo na siya sa kinauupuan at lumapit sakin.

"Di na kita nahintay sorry Baby." niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Tatawagan naman talaga kita dapat para sunduin ako eh." Ngiti kong sinabi sa kanya.

"Tara, sakay ka na sa kotse, alis na tayo, may pupuntahan pa tayo." Hinawakan niya ako sa kamay at tumakbo siya, pinigil ko naman siya bigla.

Outbox (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now