Chapter 43: Shet.

680 19 9
                                    

Beware! You should be 13 years old or above before reading this chapter! Hindi naman siya detailed pero yun pa rin yun e. XD

Grabe lang, I never thought na gagawa ako ng ganitong chaptiee. XD Pero para kasi… Haha, basta! You’ll know… soon… =))

 LONG UD. :> 2,908 words and 21 pages sa MS word. ^_______^V

Sana magustuhan niyo!

Chapter 43: Shet.

Maycee’s POV

*bzzzzt bzzzzt* <-- cellphone vibrating…

Aish, ang aga-aga e… Sino ba yung nagtext?

From: Nerd. <3

‘Good Morning and Belated, my love. Sama ka sa birthday ng Tita ko ah? Sunduin kita ng 5. I love you.’

Belated. Oo, nag18 ako kahapon. Kaasar lang kasi wala si Renz dun, may mahalaga siyang inakaso. Malamang tungkol sa pag-alis niya… As expected, hindi ako masyadong masaya sa debut ko… Tsaka kahit naman andun siya, wala pa rin e. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isipan ko na… aalis siya…

Oo, magiisang linggo na ring ganyan, magiisang linggo ko nang alam, magiisang linggo na at hindi niya pa rin sinasabi sakin…

Meaning, any time, pwede na siya umalis… pwedeng bukas o sa makalawa…

To: Nerd. <3

‘Busy e. Sorry’

Message sent.

Actually, wala nga akong gagawin ngayon e. Pero kasi…

“Oy Mayz! Kain naaaa!” sigaw ni Davido.

Haaay, mabuti pa nga…

*Today was a fairytale, I wore a dress…*

S-sagutin ko ba?

“Hello?”

“Good Morning po. Belated pala”

“Yan nga din sinabi mo sa text”

“hindi ka ba talaga pwede mamaya? Papakilala sana kasi kita sa tita ko? Birthday niya and gustong-gusto ka niyang makilala”

“…”

“Please?”

“…”

“Please? Lagi ka na ngang busy lately e…”

“Sige na. Bye”

“Thankyou. I lo…”

*toot toot*

I ended the call. Ayoko na marinig yang I love you niya, Ayoko na masanay sa kasweetan niya, ayoko na masanay na tuwing umaga, nagtetext siya o tumatawag… kasi baka sobrang masaktan ako kapag umalis siya…

Alam kong dapat sinsulit ko na yung oras na kasama siya, pero kahit kasama ko siya, kapag naalala ko na aalis siya… wala na… agad agad akong lumulungkot…

Bumaba na ako at kumain, pero parang limang kutsara lang nakain ko e. Wala akong gana. At ewan ko, kahit pinipilit kong kumain, wala e…

“Hoy, papayat ka niyan e. Payatot na nga. Kumain ka nga!”

“Sayo na lang. Wala talaga akong gana. Geh, tulog na lang ako ulit” tatayo na sana ako pero hinila ako ulet ni Davido paupo.

“Hoy halika nga”

“Ano?”

“Tcch” sabi ko at inayos ko na yung buhok ko na ginulo niya…

“Anong problema?”

Popularity + Intelligence = LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon