CHAPTER 47: Big Accident

Magsimula sa umpisa

At sa hindi inaasahang pangyayari biglang nahulog at gumulong gulong si Ate Ysa sa may hagdan dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa kanya ni Ernest.

"ATE YSA!" sigaw ko ng makita ng dalawa kung mata yung pagkaka hulog nya sa hagdan.

Dahil dun sa pagkakahulog ni Ate Ysa kaya biglang natigil silang dalawa sa pag sasapakan.

"OH MY GOD SHE'S BLEEDING!" malakas na sigaw nung mga taong paakyat ng hagdan kaya tumakbo ako agad palapit kay ate Ysa
"Ate Ysabel! Ate!" tawag ko kay ate na kasalukuyang walang malay at dumudugo yung ulo
"She's unconscious! Joseph, call an ambulance! Faster!" sabi ko kay Joseph tsaka ko binuhat si ate at naglakad pumunta sa may elevator para itakbo sya sa may clinic

JOSEPH'S POV:

"LOOK WHAT YOU HAVE DONE!" malakas na sigaw ko sa kanilang dalawa na kasalukuyang naka tayo sa lang harapan ko
"Stop! Getting angry wont help at all. We only need to stay calm and everything wil be back to normal" suway naman ni Tristan sakin habang naka tayo sa gitna nilang dalawa in case kasi na magsapakan ulit sila
"Tang*na! Panong di ako magagalit! Nandamay pa sila ng tao!" galit na sabi ko kay Tristan kaya napa yuko nalang silang dalawa

I just got a call from Yvan at sinabi nyang itinakbo na daw sa hospital si Ysabel.

Sila na nga yung sinusuway para di na lumala yung away pero tinulak pa rin ni Ernest si Ysabel at sakto pa talaga sa hagdan pa.

Halos 10 steps rin yung kinahulugan ni Ysa buti lang sana kung sprain lang yung nangyari sa kanya kaso hindi eh, bumagog talaga yung ulo, thats why the bleeding doesn't stop.

"So ano na naman plano nyong dalawa ngayon? Mag sapakan ulit? Or baka mamaya magpatayan na kayo!" asar na sabi ko sa kanila pero di pa rin sila sumasagot tapos biglang lumabas si Sir Jim sa may elevator
"Wow! You two look so handsome" sarcastic na sabi ni Sir Jim sa kanilang dalawa na duguan yung katawan lalong lalo na yung mukha
"All of you follow me!" galit na sabi ni Sir Jim tsaka na sya pumasok ng elevator tapos sumunod naman si Kyle at Ernest

Sasara na sana yung elevator ng bigla ulit itong buksan ni Sir Jim.

"Why are you still standing there?" seryosong sabi nya samin ni Tristan
"What do you mean?" kinakabahang sabi naman ni Tristan
"Didn't I say 'all of you follow me'!" seryosong sabi ulit ni Sir kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanila

Pag dating namin sa 1st floor agad na nag lakad si Kyle.

"Where do you think your going Mr. Fuertes? Guidance office is this way, not that way" sabi ni Sir Jim nang mapansin nyang paalis si Kyle
"I need to go somewhere more important than that damn office" sagot ni Kyle tsaka na sya naglakad palabas ng building

Naiwan kaming naka tunganga dito dahil sa ginawang pag alis ni pinuno.

"Sir bakit kami kasama sa pag punta sa office?" curious na tanong ni Tristan kay Sir Jim
"Yes, we didn't do anything! In fact kami pa nga nag awat sa kanila" sagot ko naman
"Well, kaya ko lang naman kayo pinapasama sa office ay dahil hinayaan nyong lumala yung away" sagot ni Sir na syang kinagulat namin
"Wow ha! Di naman namin sinadya na di sila awatin dahil sa mas malakas sila samin" sagot ko tapos umiling lang si Sir Jim
"Kahit ano pang sabihin nyo kailangan nyo pa rin sumama sa office. Don't worry dahil makaka sama nyo rin yung dalawa nyong kaibigan pag balik nila" natatawang sabi ni Sir Jim kaya wala na kaming nagawa kundi ang manahimik nalang
"Bilisan nyo kasi excited na akong sabihin sa inyo yung mga parusa nyo" excited na sabi nya ulit saming tatlo tsaka na sya naglakad papunta sa office kaya sumunod nalang rin kami sa kanya

Habang nag lalakad kami biglang tumigil ulit si Sir Jim kaya napatigil rin kami.

"You need to get treated first!" sabi nya kay Ernest kaya tumango lang sya tsaka na sya pumasok sa clinic
"You two follow me!" sabi nya ulit tsaka nya kami hinatak ni Tristan papasok sa guidance office

So talagang madadamay pa kami sa parusa nilang dalawa! Dapat nga may reward pa kami sa ginawa naming pag awat sa kanila.

KYLE'S POV:

Habang naglalakad ako dito sa may parking lot napansin ko si Ashley na naka tayo dun sa may tapat ng sasakyan ko.

"Oh my god! What happened to your face? I heard you and Ernest have a fight! What happened?" nag aalalang sabi nya sakin pero umiling nalang ako tsaka ako lumapit sa kanya
"Why are you here? Your class will start in just few minutes" sabi ko nalang sa kanya tapos bigla nya akong hinampas sa balikat
"Class? Do you think that's more important than my boyfriend who look so terrible right now! Let me take you to the clinic first! You need to get treated" worried na sabi nya sabay hawak dun sa kamay ko
"I can't go to the clinic right now! I need to go somewhere!" sagot ko nalang sa kanya sabay tanggal nung pagkakahawak nya sa kamay ko
"Then where are you going?" galit na tanong nya sakin
"I can't tell you but its important! That's why I need to leave right now" sagot ko nalang sa kanya
"Mas importante pa ba yun kaysa sa sarili mo? Tignan mo nga yang mga sugat sa mukha mo! Pag di mo yan pinagamot agad tiyak na magiging pasa yan! Do you really want to ruin your face?" galit na sabi nya sakin
"I think thats better than ruining someone's life" seryosong sagot ko sa kanya kaya natahimik sya

Habang naka tayo kami dito biglang nag ring yung phone ko tapos nung tinignan ko kung sino yun, tumatawag na sakin si grandma.

"I'm sorry babe but I really need to go" sabi ko sa kanya sabay pakita yung phone ko sa kanya para makita nya na tumatawag si grandma sakin. Wala na syang nagawa kundi hayaan akong sumakay sa may kotse ko

Pag sakay ko agad kung sinagot yung tawag ni grandma.

"WHAT DID YOU DO AGAIN KYLE! YSABEL IS STILL UNCONSCIOUS! LOOK WHAT YOU HAVE DONE" galit na sigaw ni grandma pagkasagot na pagkasagot ko dun sa tawag nya
"Pumunta ka dito sa hospital! Bilisan mo! You need to apologize to her family" galit na sabi ulit ni grandma tsaka nya pinatay yung call kaya agad na akong nag drive papunta sa hospital

I don't know why I did that earlier.

I never wanted this to happen in the first place! And I didn't mean to say those words to Ernest!

I don't know why I did that!

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!