"KAILAN TAYO PO TITIRA DUN SA BIG HOUSE PO??" aba't naaalala nya pa ang sinabi kong yun sakanya?! 


"Uh..haha.. Basta, malapit na. Ano bang kulay ang gusto mo sa room mo?" 


"BLUE!!" ^O^ 


"Okay. Sige. Gagawin ko yung blue." ginulo ko ang buhok nya. 


"KAY MOMMY PINK!" ^O^ 


"Ehh.. Wag naman pink! Dalawa kaming gagamit nung room na yun eh. Hahahaha" 


"HMM.. KAY DADDY NA LANG PO ANG PINK!" ^O^ 


"Anak naman.. Di natin isasama ang Daddy mong yun dun." Tsk. Ako na ang bitter. =___= 


"BAKIT DI KASAMA SI DADDYPO..??" nalungkot si Andy. 


"Kasi pang-family lang natin ang house na yun. Pang-PAPA, MOMMY at ikaw, BABY namin.." 


Nagblink lang sya. Di nya ko siguro naiintindihan. Tss. Kung anu-ano pa kasing sinabi ko. Mga wala pa namang kasiguraduhan yun pero sana..sana magkatotoo.. 


*dingdong~* 


May nagdoorbell. Baka yung delivery na yun. Pinaupo ko muna si Andy sa may sofa tsaka ko pumunta sa pintuan. 


Pagbukas ko... Si Myra ang nandoon. 


"UY." bati ko. Nagulat din ako eh. Hinahanap ko sya kanina sa school pero di ko sya makita. Ngayon namang di ko na sya hinahanap, ito na sya. "KAMUSTA NA PALA ANG.. ANG PINAGBUBUNTIS MO HUH??" 


Inalis nya ang tingin nya sakin. "Wag mo kong ganyanin.." 


Nagulat ulit ako. Kakaiba kasi yung boses nya. Para syang nanghihina. And speaking of kakaiba, kakaiba rin ang porma nya. Ang simple lang nya ngayon oh. Jeans and shirt. Nakalugay pa ang buhok. 


"Nagpunta ko dito kasi sabi ni Jude hinahanap mo ko kanina.. Plano ko na rin sanang mag-sorry ngayon dahil sa kasinungalingang YUN na sinabi ko kay..kay Rachellyn.. Pero kung ipamumukha mo lang sakin ang ginawa kong yun sakanya.. Aalis na ko.." 


"Di ko kailangan ang sorry mo. Hinahanap lang kita kanina kasi gusto kong marinig mula sayo mismo na kasinungalingan lang talaga ang sinabi mong yun kay Chelle." 


"Well, ito na. Umamin na ko." nag-crack ang boses nya at naluha sya. "Are you happy now?" 


Medyo nakonsensya naman ako.. Pero di ko na lang yun ipapahalata. "Not yet. Hindi pa hangga't di ka pa nagso-sorry sa nanay ng anak ko." 


Napayuko sya, ngumisi at umiling. 


*BAGH!* 


"UWAAAAAA!!" biglang iyak ni Andy! 


Napatakbo ako papasok ng unit at ayun sya, nakaupo sa sahig sa tabi ng center table habang hawak ang likod ng ulo nya! "A-ANAK?! ANONG NANGYARI SAYO?!" 


"PA.. *sob* PAPAAAA!! Yung.. *sob* YUNG TABLE!! WAAAAAA" >O< 


"A-ANONG NANGYARI SA TABLE?!" 


"ANO KA BA ADRIAN!" sigaw ni Myra na sinundan pala ko dito sa loob. Mabilis syang lumapit kay Andy. "DI BA OBVIOUS?! NAUNTOG SYA SA TABLE NA YAN!" 


*blink*blink* NAUNTOG?? 


"ADRIAN?!" sigaw ulit ni Myra habang hinihilot ang ulo ni Andy. "WAG KA MAGPACUTE DYAN! GUMAWA KA KAYA NG ICE PACK NOH?!" 


"Ahh oo! Ice pack!" kumaripas ako sa kusina. 


Ice pack. Ice pack. PAANO BA GUMAWA NUN?! AYY AMPUCHA NAMAN! 


Kinuha ko na lang yung isang tray ng ice cubes mula sa freezer ng ref at yun ang binigay ko kay Myra. 


"SUS ADRIAN!!" galit si Myra! Mali ba yung binigay ko?! "GIVE ME A TOWEL NA LANG!" 


Okay. Towel. Kinuha ko yung towel ni Andy na nasa bag ko at binigay kay Myra. Gamit yun ay binalot nya ang mga ice cubes at nilagay yun sa likod ng ulo ni Andy. 


Oooh.. So ganun pala gumawa ng ice pack?? 


"MA.. *sob* MOMMYY.." patay ako. Hinahanap na nya ang nanay nya. >.< 


"Shh baby.. Wag ka nang umiyak.. Mawawala rin ang sakit nyan.." Ngumiti si Myra at pinunasan ang mga luha ni Andy habang hawak pa rin ang ice pack sa may ulo nito. 


Napakamot ako ng ulo habang pinapanood sila. TSK. PATAY TALAGA KO KAY CHELLE NITO. PINABAYAAN KO ANG ANAK NAMIN.. >.< 


"Yan.. Okay na??" sweet na tanong ni Myra kay Andy na kakatahan lang. Tumango ang anak ko sakanya. 


Binuhat ko sya para makita nang malapitan ang ulo nya. "A-Anak? Di na ba masakit??" 


Umiling sya at yumakap nang mahigpit sa leeg ko. 


"Adrian.. Wag mo syang patulugin. Alam ko masama yun pag nau-untog nang malakas ang bata.." paalala ni Myra. 


"G-Ganun ba? Uh eh Andy anak, gusto mo mag-drawing? Drawing muna tayo dali.." 


Tinignan nya ko. "Ga.. *sob* Gagamitin ko po yung pencils mo po at yung.. *sob* yung big paper po??" 


"OO NAMAN! Halika.." 


Pinahiram ko sakanya ang drawing pencils ko at binigyan sya ng isang tracing paper. Umupo sya sa sahig at nagdrawing sa may center table. 


WEW. Buti nagpauto! Napaupo na lang ako sa sofa kasi naman..kinabahan talaga ko kanina. 


Si Myra, nandun pa rin nakaluhod sa pwesto nya kanina. Tulala sya kay Andy. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!