[woot~ finally!! si BABY ANDY♥ oh!! X3] =====>> 

- - - - - - 

x27: Advice 




[ADRIAN's PoV] 


Currently driving our way to my condo unit. OUR WAY kasi kasama ko ang napaka-kulit kong anak! 


Dapat bibisitahin ko lang sya sa bahay nila eh kaso..argh..NANDUN NA NAMAN SI CJ. Nakakawalang gana kaya pag nasa paligid ang lalaking yun. Parang nung kahapon lang. Kahapon saglit ko lang nakasama itong si Andy kasi nga nandun ang lalaking yun. 


And lalaking yun.. May mali sakanya kanina. Dati rati pag nagtatagpo ang mga landas namin, automatic na may mararamdaman akong TENSYON sa pagitan naming dalawa pero kanina..WALA. Tulala nga sya eh at parang lutang ang utak. 


Ay pakealam ko ba sakanya! Ang mahalaga ngayon, kasama ko na ang anak ko! Dun na lang kami sa bahay ko tatambay para walang epal! 


"OOOH.." *O* Namamanghang dumungaw si Andy sa bintana nang magpark kami sa basement nitong condiminium building. "PAPA! Dito ka nakatira po?!" 


"Oo. Pero dun sa taas ako nakatira ah! Di dito sa parking! Hahaha tara na?" tinanggal ko ang seatbelt nya at binuhat sya palabas ng kotse. 


Holding hands kami habang naglalakad pa-elevator. Pero nang nakulong na kami sa elevator, natatakot syang yumakap sa binti ko! First time nya yata makasakay dito eh! 


"PAPA.." >.< Tawag nya nang umandar na itong elevator. 


Natatawa ko syang binuhat. "Wag ka matakot! Parang elevator lang eh.." 


*ting~* 


Nagstop yun sa 6th floor. Lumabas na kami at naglakad nang buhat-buhat ko pa rin si Andy. 


"HEYY ADRIAN~~" ang malanding tawag na yun.. Siguradong si Liza yun. Si Liza na isang gym instructor at kapitbahay ko. Magkatapat lang ang unit namin. 


Nilingunan ko sya. WOAAHH YAN NA NAMAN SUOT NYA! Black leggings at fitted sando na kita ang kanyang malulusog na dibdib! AHH POTEK! Napapaisip tuloy ako! Gaano katagal na nga ba kong walang naaano na babae?? ARGHH HINDI! MALI TOH! TAKTE NAMAN KASI TALAGA ANG BABAENG TOH! BWISET! Di ko sya dapat pagpantasyahan! Mas matanda kaya sya sakin! Tsaka may Chelle na ko noh. Tsk. 


Tumalikod na ko agad at naglakad. Pero si Liza! Tumabi sakin at tinitigan si Andy! "AWW.. ANG CUTE NAMAN NG KAPATID MO!" ^3^ 


"Di ko sya kapatid. Anak ko sya." sagot ko habang binubuksan na ang pinto nitong unit ko. 


"EHHH?! DI NGA?! S-SINO NANAY NYAN?!" oh bakit sya naiinis? 


"Wala ka ng pake dun." pumasok na ko sa unit at pinagsarahan sya ng pinto. 


HAYYY. =___= 


Mga babae talaga.. Bakit nyo ko pinapahirapan nang ganito?? 


"WOWW!" nagpababa na si Andy. Tumakbo sya sa sala nang ibaba ko sya. Sumampa pa sya sa may sofa at tumalon-talon. "ANG GANDA NG COUCH MO PO PAPA!!!" 


Hala? Hahaha. Palibhasa medyo malapad yung sofa na yan kaysa nung sakanila. Leather pa. 


Binato ko na dun yung bag ko na may lamang towel at spare clothes nya. Syempre natuto na ko. Ayaw ko namang iuwi mamya ang anak ko na dugyot. Baka magalit si Chelle. =.= 


Niyaya ko si Andy sa kusina para kumain. Tumakbo-takbo ulit sya dun. Grabe talaga ang kalikutan ng batang toh. Ganito kaya ako kakulit non? Kung ganito rin..naku. Kawawa naman pala si Mama non. 


Ay potek. Wala pala kong pagkain dito. Nagpa-deliver na lang tuloy ako ng McDo. Tsk. Kung alam ko lang na wala kong pagkain dito, sana dumaan kami dun sa pinagtatrabahuan ni Chelle. 


Habang hinihintay namin ang delivery, tumambay kaming mag-ama sa sala. Binuksan ko ang flatscreen TV para makapanood ang anak ko. Cartoons kaya ayun, nag-behave lang sya sa may sofa. 


Sasamantalahin ko na ang pagkakataong toh para gawin ang schoolworks ko. Umupo na ko sa may tapat ng drawing table ko na nandun lang din sa sala at sinimu-- 


"PAPAAA!!" Amp. Wala pa kong nasisimulan eh ginulo na nya ko! "MAGDO-DRAWING KA PO?!" 


"Yes anak. May homework ako eh." 


"Oooh.." namamangha ulit nyang tinitigan ang ibabaw ng table ko. "ANG DAMING PENCILS!! ANG BIG NG PAPER!! WHITE LAPTOP!! SAME AS MOMMY'S!!" *O* 


Natawa na lang ako at kinandong ko sya. "Hindi yun white anak. Silver yun." 


"ANO PO TONG DRAWING MO PO?!" tanong nya pa sabay turo dun sa isang papel. 


"Floor plan ng isang building.." sagot ko naman. 


"OOOH.. WAH PAPA!" dun naman sya tumuro sa may corkboard. "YUNG PICTURE PO NG BIG HOUSE!" 


Ah. Yung pic pala yun ng bahay kung saan namin sya ginawa ni Chelle. Pinin ko yun dun sa corkboard eh para magsilbing inspiration. Hehe.. Pinagpaplanuhan ko na rin kasi ang gagawing renovation dun para sa kanilang dalawa.. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!