Chapter 25 (2)

6.6K 70 22
                                    

(Nakaraan)

After kong mag-ayos ng gamit at sarili, tumabi na rin ako sa kanya. I watched her sleep. She looks so peaceful. Napangiti ako. Yumakap ako sa kanya. I kissed her. Smack lang naman, baka di ako mapakapagpigil e.

"Goodnight wifey."

Nagulat ako ng bigla syang nagsalita. "So you act even kahit walang nakakakita? Stop being nice and sweet and everything. Alam ko na ang lahat."

Chapter 25 - 2

Tara's POV

"So you act even kahit walang nakakakita? Stop being nice and sweet and everything. Alam ko na ang lahat."

"What?"

Bumangon ako. "I'll be sleeping kina Bianca for days siguro.. no, maybe for weeks or who knows, for months."

"What are you saying? Isa pa bakit ka dun matutulog kina Bianca?"

Sa halip na sagutin sya, bumangon na ako ng tuluyan and grab my bag. Medyo mahilo hilo pa ako. Siguro dahil sa pag-inom ko kanina, pero alam kong nasa katinuan ako at alam ko ang mga ginagawa ko ngayon. I walked papunta sa closet and started getting my clothes.

Naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang bag. "What do you think you're doing?" 

Come on! Just leave me alone! Gusto kong isigaw yan sa kanya pero natatakot ako dahil baka sa pagbuka ng bibig ko, sya ding tulo ng mga luha ko. Kaya I remained silent at hinila ang bag.

Pero hinila rin nya yun. "Please, tell me. Ano ba talagang problema?"

I swallowed my fear and bravely looked at him. Shitness. I know its a wrong move. All I can see is concern and sincerity in his eyes. Mas lalo kong nararamdaman ang sakit, lalo na ngayong kaharap ko na sya. Pero anong gagawin ko? Masyado akong takot. Nag-iwas ulit ako ng tingin. "C-can you please give m-my bag?"

Hinila nya ulit ang bag kaya ngayon, sya na ang may hawak nung gamit ko. "Don't run. Nakikiusap ako sayo. Sabihin mo sa akin. We'll fix it together."

We'll fix it together. Lumayo sa kanya. Pinunasan ko kaagad ang tulong lumuha. Ayokong makita nya akong umiiyak. Ayokong maawa sya sa akin. Bumalik ako sa kama at umupo.  

Sinundan na naman nya ako. Slowly, tumabi na rin sya sa akin. "Tara.." Hinawakan nya ang kamay ko.

Pinalis ko ang kamay nya and looked at him. Pinilit kong gawing buo ang boses ko. "Don't touch me." Nakita ko ang sakit sa mga mata nya, which made me feel like I was stab twice. Tumingala ako para pigilan ang pagdaloy ng luha. Tae! Ang galing naman nitong umarte!

"Tara.." Lumapit pa ito sa akin.

Lumayo naman ako. "No. Don't go near me." And there, a tear fell. Traydor.

Lumapit ulit sya sa akin. Nagpapanic na sya. "Shit. Just tell me!"

"Wag ka sabing lumapit!"

Akma nyang hahawakan ang kamay ko, sya namang pagtayo ko at takbo papunta sa banyo. I quickly locked it. Napaupo na ako sa malamig na tiles at umiyak. But I am still controlling my sobs. Gusto ko munang lumayo sa kanya.

He knocked. "Tara.."

I didn't respond. 

Narinig ko syang bumuntong hininga. "May nagawa ba akong masama? For the past days na wala ako, ramdam kong may mali. I tried to call you everyday but it seems na ayaw mo akong makausap. Di mo lang alam kung gaano kita.. kung gaano kita namiss, Tara. I wanted to talk to you every minute, minsan nga naiisip ko na iwan nalang ang trabaho dun at umuwi na kaagad just to see your face, just to see you."

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon