Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing

93.5K 1.3K 392

Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing

Nagsilabasan ang mga natamaan/bitter sa last update! Sorry guys, di na talaga ako gagawa ng update pag nakainom (-.-)

Chapter inspiration: Friends, Lovers or Nothing by John Mayer :">

Comment and vote pag nagustuhan!

--

NORMAL POV

SATURDAY

Masyadong nabagabag si Lean sa sinabi sa kanya ni Barbs. 2 days na rin since sinabi sa kanya yon. Pinilit nyang di isipin kaso.. nakakatakot si Barbs eh. Lumatay sa utak nya ang takot.

Nawawala tuloy sya sa focus. Napansin na ng Ravens ang pagkabalisa nya. May practice nga sila, 1 week na lang bago ang exhibition game.

"Sir Lean!"

Dun lang nya namalayan na inaabutan sya ni Cyrus ng tubig. "Okay lang kay Sir?"

He tried to smile. "Medyo masakit lang sa ulo ko."

"Gamot sir gusto nyo?" umiling sya.

Ngayon lang sya nag-isip ng gantong malalim. Ano nga bang meron? Ba't naman sya sasabihan ni Barbs ng seryosong bagay? Tsaka.. lead her on? Anong kalokohan yun? Gusto nyang magtanong kina Chester, sigurado syang may alam ang mga ito. Kaso nahiya sya, out of bounds na masyado yun.

Hanggang sa pagpasok nya sa Monday dala pa rin nya ang takot o kung anumang weird feeling na yun. Buti na lang at open house pa rin sa Charleston. Pwede syang mag-isip nang malaya.

Kaso.. nakakagutom mag-isip. Lunchtime nang lumabas si Lean sa teacher's lounge para bumili ng pagkain. Nagkaron sya ng favorite food stall, yung nagtitinda ng chicken curry. Nagpadagdag pa nga sya ng kanin, ganun sya kagutom.

Sa 10 minutes nyang pagkain nakalimutan nya saglit ang sinabi no Barbs. Ganun kasarap ang chicken curry na yun! Magaan na ang loob nya nang pabalik na sya ng teacher's lounge. Kaso...

"SIR LEAAAAAN!!!!!"

Narindi sya sa sobrang tinis ng boses na yun. Si Janine pala, patakbo papunta sa kanya.

Ayaw naman nyang magpahalata sa estudyante kaya ngumiti na lang sya. "Sigla mo ata ngayon ah! Nakain mo?"

"Tara na sir!" hinila sya nito.

"O teka san mo ko dadalhin!?"

"Basta Sir! Enjoy 'to!!"

Dinala sya ni Janine sa marriage booth ng Performing Arts Club. Medyo marami ang tao dun, mostly club members at officers.

"Hi Sir!" malanding tawag sa kanya ng Snerds. Medyo kumaway na lang sya.

"Hoy Janine! Ano bang kalokohan 'to?" pinigilan nya ang inis.

"Marriage booth!"

"Gagawin ko rito?!"

"Malamang ikakasal!"

Bumalik ulit ang sakit ng ulo nya. Ikakasal? Sya? Kalokohan! Sayang pera! Nag-iisip na sya ng pwedeng idahilan para makatakas nang...

"Ano ba! Wag nyo kong kaladkarin!"

Psh. Vivien?

*lingon*

Ha? Hindi si Vivien?

"What's the meaning of this!?" sigaw ng babae. Natakot naman ang mga estudyante sa paligid nila.

If I FallRead this story for FREE!