Chapter 5: Torres

10 1 0

MH chapter 5: Torres

Thalia's POV

*Yawn*

*Streches arms and legs*

4:55 pa pala.

Tumingin ako sa katabi kung natutulog ng mahimbing. Ang ganda pala sa feeling noh, na first thing in the morning na ang makikita mong pagmumukha ay yung kaibigan mo. Pumunta ako sa CR para magsipilyo, at magsuklay tamad kasi maligo eh. Bumaba ako na naka pajamas parin at pumunta sa kitchen at dun ko naabutan si Tita Adira na nagluluto.

"O iha, gising kana pala umupo ka muna dyan ipaghahanda kita." Lingon sakin ni tita nang mapansin niya ako. Nilagay niya kaagad ang bacon, egg, at bread sa lamesa. Nagtimpla naman siya ng gatas.
Kakain na sana ako ng biglang magsalita ulit si tita.

"Iha para sayo o, ubusin mo yan ah, tatapusin ko muna tung niluluto ko." Tumango naman ako at tinikman ang gatas. Mmmmhhh, ang sarap!

"Tita nagmana talaga sayo si friend, ang unique kasi ng lasa ng gatas na tinitimpla niyo."

" Syempre iha, kung magtitimpla ka ng gatas pareho lang yan sa pagluluto dapat with love, o diba try mong magtimpla with love sa susunod" sabi ni tita at ngumiti sakin. 

Pagkatapos kong kumain nagpaalam ako kay tita na gigisingin ko muna sa friend at pagkatapos maligo. Pumasok ako sa kwarto niya at natutulog parin siya. Nilapitan ko siya at tinusok tusok ko ang ilong niya gamit ang daliri ko.

"Rise and shine sleeping beauty!" Sabi ko pero wala parin. "Oy, oy" poke ko sa mukha niya. Hinablot ko ang kumot.

"Arrrggghhh, ano bayan???" Naiinis na tugon ni Friend. Pero nakapikit parin siya. Aba hindi ka babangon ah?  Kinuha ko unan ko at tinapon sa kanya, medyo malakas lakas ang pagtapon ko at lumanding sa mukha niya.

Kinuha niya ang unan, bumangon at hinarap ako.

"P*tangi*na o! Kitang may natutulog?! Ano ka bulag?" Nagagalit niyang sabi sakin.

"Good morning din sayo friend, sumunod ka na pagkatapos kong maligo" pekeng ngiti ko sakanya,at pumunta sa CR. Sakit naman nun, ka aga aga minumura niya ako.

************

Nandito na kami sa school ni friend ngayon. Hinatid kami ni manong Dante. Parang galit parin sakin si friend. 5th day ng pasok namin ngayon, pero kulang parin ng isa ang kaklase namin.

"Friend sabay na tayo sa room" liningon niya ako at nakakunot ang noo niya.

" Hindi tayo kaklase " tipid niyang sagot sakin, at diretso lang siya sa paglakad patungong building namin. Hindi na ako tumabi sakanya, sa likuran nalang ako at sinundan siya. Hindi ko kasi alam classroom namin eh.

Hanggang nakadating kami sa classroom, at diretso- diretso lang siya sa pag pasok. Huminto lang ako dito sa pintuan kung ano section ito. Section A.

Pumasok na ako sa classroom.

"Thal!!!" Si Momo habang naka open wide yung arms niya, at dahil dun nag sign of the cross ako. In the name of the father, the son, and the holy spirit amen. Lord ikaw na bahala sakin.

Sinasakal na ako ngayon ni Momo, ang higpit parang hindi ako mahinga. Ito na talaga ang katapusan ko.

"Let—let g–go Momo" nagpumiglas ako pero hindi niya parin ako binibitawan. Binatawan na niya ako ng napansin niya na namumula na ako parang hindi na makahinga.

Pinagpagan ko uniform ko, pinag pawisan ako dun ah.

"Thal, tagal natin hindi nagkita!kyaaahhh!! I really really mish you talaga!!!" Pag exagerate niya.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!