Chapter 9

174 62 2
                                    

Chapter 9: Transferees



Mckayla's Point of View



"Jenrick! Mabuti naman at pumunta ka dito" sabi ni Dad sa kaniya

"Hi Tito, Tita. It's nice to see you again haha" bumeso naman siya kay Mommy at nakipagkamayan kay Dad. Binaling naman niya ang atensyon sa kaibigan "Mckyle! I miss you bro!" niyakap pa niya ito at mahinang sinuntok ang braso

"What the? Nagkita lang tayo 2 days ago ah? Haha So, are you going to sleep here or nah?" tanong naman ng kapatid ko

"No. Bumisita lang ako dahil matagal na rin akong hindi nakapunta dito. I was going to call or text you but I run out of load haha" nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa pero mas nakatitig ako kay Jenrick. I can't deny the fact that he's handsome, well no, let's say he's perfect. I don't like him though, I'm just stating the fact.

Nag-usap silang magkaibigan at si Maxon na man ay bumaba na. Nagpaalam akong pupunta na ko sa itaas dahil may gagawin pa ako.

Pagdating ko sa kwarto ay agad kong binuksan ang laptop kung saan ako gumawa ng presentation namin. Tinapos ko na ang conclusion nito para si Tyler na ang mag eedit. Narinig kong may kumatok sa kwarto at narinig ko naman ang boses ni Manang na nagsasabing kakain na.

Bumaba na ako para kumain at doon ay nakita kong kasama pa namin si Ricky sa hapagkainan. Panay ang kwento niya tungkol sa mga ginagawa nila sa school at kung gaano raw karami ang nagkakagusto kay Kyle. Silang apat lang naman ang dumadaldal habang kami ni Maxon ay nagsasalita rin pero hindi masyado. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Ricky para umuwi

"Tita, Tito I think I need to go now. Malayo pa kasi ang bahay namin rito and I still have class tomorrow"

"Sige, hijo mag-iingat ka sa byahe" sagot ni Dad

"Goodbye Jenrick! hihi balik ka ulit dito ha?" sabi naman ni Mom

"Haha sure" binaling naman niya ang atensyon sa aming tatlo "Max and Macky, See you again soon! Kyle, see you tomorrow bro!"

Tumango naman ako at si Maxon ay ngumiti naman sa kaniya. Sinamahan na siya ni Kyle sa garage at umalis na. Nang matapos ay umakyat na agad ako. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay agad naman akong kumuha ng libro para magbasa hanggang sa matulog ako.

•KINABUKASAN•

Pagdating ko sa school ay napansin kong maraming babae ang nagbubulungan at nagkekwentuhan tungkol sa isang lalaki na pogi daw.

Parang first day lang? Bakit ba ngayon lang nila napansin ang lalaking 'yon?

May ibang nagtitilian pa nga pero hindi ko nalang ito pinansin. Ng makapasok ako sa classroom ay napansin ko ang iba kong mga kaklase ay nagtitipon-tipon sa isang sulok, mga lalaki pati na rin mga babae.

"Andito na si Kayla!" sumigaw ang isang lalaki na andoon sa grupo nila

Napalingon naman ang lahat sa akin at biglang may tumayo na dalawang lalaki. Nagbigay rin ng daan ang iilang estudyante na nakaharang sa kanila. Nakatalikod pa lang sila ay pamilyar na sa akin, ng humarap ay bigla nalang akong napaatras.

Pati ba naman dito? Tss

"Bae" "Macky" sabay nilang sabi at siguro naman ay kilala niyo na kung sino ang mga ito. Kaya pala pumunta 'to sa bahay kahapon.

Tinanguan ko lang sila at naglakad na palapit sa kinaroroonan ko "Seryoso ba kayo?" mahinang sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila.

"Well, yeah. Mom and Dad said na dito na raw ako mag-aaral haha" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kyle

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon