Pinagtitinginan pa rin kami ng mga estudyante. Mukhang sanay na si Kent sa atensyon na binibigay sa kanya ng madla. Pero hindi ko alam kung masasanay ba ako sa mga pamatay na tingin na ibinibigay nila sa akin lalo na ng mga kababaihan.

Nang dumating kami sa harapan ng silid-aralan ko, binitawan na ako ni Kent (sa wakas!) Pero kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan ito. Nanlaki ang mga mata ko at alam kong ganun din ang mga tao sa loob ng silid.

"Have lunch with me, okay?" Sinabi niya at umalis na.

Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang hilahin ako ni Recca.

"Sabay kayong pumasok?!" Tanong niya. I should be mad at her for leaving me at home by myself! Muntikan na akong ma-rape!

"What the hell, Recca! Iniwan mo'ko sa dorm!" I told her.

She seemed a little guilty. "Sorry. Napaaga ako ng pasok kasi tinawagan ako ni Mica, nagpasama sa book store."

Hindi ko na lang siya pinansin at tumungo sa aking upuan.

***

"What would you want for lunch? Pasta? Burger? Salad? Sandwich?" Kent was beside me while the both of us are walking. Pagkatapos na pagkatapos ng third subject e hinila niya ako palabas ng classroom at dinala sa cafeteria. Iniisa isa niya lahat ng pagkain na pwede niyang maalala.Hanggang sa "Or would you want me instead?" 

Namula ako sa sinabi niya at napayuko. He just grinned in glory.

"Gustuhin ko man yun, hindi pa pwede. You'll have me for dessert later, instead." What? Dessert? What is he talking about? I gave him a confused look.

"Mamaya sa date natin, ano ka ba." He said. Then dragged me to an available table.

"Stay here, kukuha lang ako ng pagkain natin." I could see him swiftly moving away from me. Para siyang si Edward Cullen at iba pang mga nag-gagandahang bampira. Bawat galaw niya, maganda. With grace. Ang hirap isipin na tao siya. Pero teka, hindi nga pala siya tao. Demonyo siya.

"Kamusta naman ang date niyo?" I heard a very familiar voice behind me.

"Kenneth."

"You look happy to see me." He said sarcastically habang umupo sa tabi ko.

I just ignored him. Para hindi niya ako kulitin, nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nagkunware na nagti-text. Nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni Kenneth ang cellphone ko.

"Hoy ano ba!" I tried to reach for my phone pero his arm was too long for me to reach. Damn guys and their bodies!

"It's rude to text when someone is around you." He simply said. Monotone nanaman. May emosyon ba 'tong taong 'to? "Oh look at that. You have 5 new messages. From... Stalker?"

He seemed amused.

"Wala kang pakielam diyan."

Bago pa man siya makapagsalita, bumalik na si Kent at umupo sa isang side ko.

"Nawala lang ako saglit may pumalit na sa'kin. Unfair, dude."

"I'm just checkin on you both." He said. Tapos imbis na sa'kin niya ibigay yung phone ko, binigay niya kay Kent.

"Hey!" Was all I could say.

"Oh good, thanks." Sabi ni Kent pagkaabot ni Kenneth sa kanya ng cellphone ko.

"I put my number in. It's fair to put yours as well." He said calmly.

Tumango tango lang si Kent at maya maya ay ibinalik na sa akin ang phone ko. Agaran ko namang kinuha ang phone ko. Pagkatingin ko, wala na yung new messages. Binasa ni Kenneth?!

Ang sex addict kong boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon