TAL. 27 -- Setting Free

"Are you sure you can talk to him?" tanong sa akin ni Daryl.

We're inside his car, parked in front of a restaurant.

Sinulyapan ko sya at marahang tumango. "I think so."

"Be good to him, Cass." ngumiti nang matipid ito sa akin.

Dumukwang ako sa kanya at niyakap sya. I can't exactly tell how am I feeling right now, kinakabahan ako honestly. Inside the restaurant waiting for me is the person I hated the most. "I'll try." malungkot akong napangiti.

"I know you can. Ito ang isa sa mga pagkakataon na hinihintay ko na gawin mo. You can do better than loathing him." hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan. "Gusto mo ba na samahan kita sa loob?"

Umiling-iling ako. I want us to talk privately. "No need. I'll just call you when I'm done here."

Ilang sandali pa, bumaba na ako ng sasakyan matapos gawaran ni Daryl ng halik ang mga labi ko. He even wished me good luck and hoping for a great result sa pag-uusap namin ni Leandro.

For the sake of my future children. 'yan lang ang kanina ko pa iniisip. Its high time for me to move on and forget all the bad things. Tama naman si Chanel, how can I be totally happy if I'm stuck in my past? I just want to be a good mother and a wife, but how could I possibly do that if there's still hatred in my heart? Once and for all, I must do this. I really must.

I will just forgive him ngunit hindi ako umaasa na magkakaroon pa ng magandang relasyon sa pagitan namin ni Leandro. Its enough I forgive him at hahayaan kong makilalala sya ng anak ko bilang Lolo nya.

Huminga ako nang malalim at lumakad na papasok sa restaurant. Si Chanel ang nag-ayos nang pagkikitang ito ngunit ako ang nagsabi sa kanya na sa neutral grounds ko gustong makipagkita kay Leandro.

"Miss Cassandra?" tanong sa akin nang sumalubong na waiter nitong restaurant.

Tumango lang ako bilang sagot. "This way, Madame." at iginaya ako palakad sa isang maliit na function hall.

Inside the function hall is a table set for two, wala makikitang kahit sinong guest dito sa loob maliban sa isang lalaking nakaharap sa floor-to-ceiling window, nakapamulsa at bahagyang nakatalikod sa direksyon ko.

Lumingon lamang si Leandro nang marinig ang muling pagsasarado ng pintuan. Ngumiti sya ng matipid sa direksyon ko at lumakad palapit sa akin. "I'm glad you came." mahinang anas nya.

I just stood there silently, clueless sa sasabihin ko at ikikilos. I feel so numb just by looking at his face, asking my self if I really have to do this and if I'm ready to face him. Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ng mahigpit ni Leandro, "I'm sorry, Cassandra, for all the hurt I've caused you. Chanel told me you want to settle things between us. Hindi mo lang alam ngunit masayang-masaya ako."

"S-she's right." parang may malaking harang na bumikig sa lalamunan ko. "I just want to move on."

"I know, I know." naramdaman kong humugot nang malalim na hiniga si Leandro. "Ako man din, ay ganoon din. Kaya huminihingi ako sa'yo nang patawad sa lahat ng nagawa ko sayo at sa kapatid mong si Chanel. Because of my selfish reasons, naging miserable tayong lahat."

Napapikit ako ng mariin sa sinabi nya. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng sakit na naranasan ko noon, ang hindi nila pagsipot sa school activities ko, ang hindi nila pagbibigay ng oras sa akin noong mga panahon kung kailan kailangang-kailangan ko sila, ang mga special gatherings sa buhay ko katulad ng birthday at graduation na hindi ko nakita ni anino man nila. All of them came back instantly, making me cry again.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!