I LOVE YOU daw, sabi nya (One Shot Story)

92.5K 3.2K 615

A/n: Para ka chie ito! Lab you~! :* Sana nga lang magustuhan mo ^______^

**

"Wieeeee~~" Kung hindi lang talaga ako magmumukhang tanga at ewan, hindi ko talaga pipigilan ang sarili ko sa pag ngiti eh :) 

Bakit? Kasi... BIRTHDAY KO NGAYON!!! Pero hindi pa ako matanda ok? Pang 17th ko pa kaya to ^___-

Umayos na ako at balik pormal na nang papasok na ako ng entrance ng University. Alangan namang ngumiti ngiti ako eh mga tao pa naman sa University na to, may katok sa ulo!  Laging nakasimangot. Parang pasan lang nila ang daigdig ah! May nakikita pa akong iba na kulang nalang, yung nguso sumubsob doon sa sahig.

Pagpasok ko, nakaramdam ako ng ibang aura sa mga tao. Yung mga guard sa entrance, parang binabati na din ako sa kaarawan ko dahil sa ngiting isinalubong nila sa akin. Kaya syempre, sinuklian ko din sila ng pagkatamis tamis na ngiti.

"I love you daw, sabi nya." Parang tumaginting ang tenga ko nang marinig iyon ng sabay mula sa kanilang bibig. Nakakapagtaka naman.

I love you daw, sabi nya? 

Tsk. Hindi ata para sa akin iyon. Baka ang kasunod ko ang sinabihan nila.

Naglakad na ulit ako na parang walang narinig na ka-echusan, nang may isang batang nasa mga 6 to 7 years old na makakasalubong ko. Grabe, ang ganda ng ngiti nya. Kitang kita ko pa ang mapuputi nyang ngipin.

"Hi bata!"

"I love you daw, sabi nya"

Nagulantang naman ako sa munting tinig nyang nagbitaw ng mga katagang iyon. Grabe, pati bata, gumaganun na?

Pinagmasdan ko lang ang pag-alis nya at nakita ko na lumapit sya sa isang Ale na mukhang ang Mama nya. Tulad ng anak nya, nakangiti din sya ng pagka wagas.

Napasinghap nalang ako. Grabe naman itong tao sa likuran ko, puno ng love ang araw nya. Ako nga na may birthday, walang nag I love you. 

Lakad nalang ako ng lakad hanggang sa mahinto ako saglit kasi may isang lalaking dadaan sa harap ko. Higher level na sya kaya pinadaan ko na. Hindi rin naman kasi ako nagmamadali.

Pero ang ikinagulat ko ay huminto sya sa harap ko at ngumiti sabay thumbs up pa. "I love you daw, sabi nya." 

Sinundan ko na lang ng tingin ang Kuya na iyon. Susmaryosep! Kinakabahan ako sa mga tao ngayon.  Bakit ba paulit ulit sila ng sinasabi?  At sa mismong tapat ko pa sasabihin? Ano ba talaga nakain nila?

Iniisip ko pa rin kung anong nangyayari sa kanila habang pinatuloy ang aking paglalakad. Baka naman may biglaang event na magsasabi ka ng ganun dba? Ano kaya ang premyo at halos silang lahat e--

"I love you daw, sabi nya." At sabay takbo? 

Mas lalong gumulo ang isipan ko sa lalaking kakatakbo lang. Sayang! Bakit sya tumakbo? Itatanong ko pa sana kung anong nangyayari eh.

I LOVE YOU daw, sabi nya (One Shot Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!