PAGBABAGO

624 7 1
                                    

Bakit nga ba?,
Yung mga bagay,
Na dapat na nating kalimutan,
Ay ayun pa ang ating natatandaan.

Bakit?
Kung sino pa ang totoong nagmamahal,
Ay sya pa ang sinasaktan,
At iniiwan.

Noong dumating ka sa buhay ko,
Hindi ko inaasahang magkakaroon ka ng malaking parte sa storyang ito,
Hindi ako yung tipo ng tao.

Agad agad na nagtitiwala,
At hindi din naman ikaw yung tipong katiwa-tiwala,
Marami akong naririnig na kwento tungkol sayo.

Paasa ka daw,
Manloloko ka daw,
At hindi mo daw kayang magseryoso,
Kaya binalaan ko ang sarili ko.

Pilit akong umiiwas sayo,
Pilit kong pinipigilan na makinig sa mga kwento mo,
Na paniwalaan ang mga banat mo,
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umasa.

Na sana ako na ang seseryosohin mo,
Pero lumipas ang araw, linggo at buwan,
Na lagi kitang kasama sa tawanan, kulitan, harutan at maski sa kalokohan.

Hanggang sa dumating sa punto na hindi na pala kita kayang layuan,
Sinabi ko sa sarili ko na wala naman masamang umasa,
Na wala namang masamang maging masaya.

Iwan mo man bigla,
Ang mahalaga ay nakasama at nakilala kita,
Di ko makalimutan yung araw,
Nung sinabi mo na gusto mo na mag seryoso.

Na pagod ka na manloko,
Kaya tinanong mo ako na kung pano nga ba manuyo,
Kung paano nga ba mapapasagot ng 'Oo'.

Inaamin ko na nabigla ako,
Hindi ko alam ang isasagot sayo,
Kaya hinawakan mo ang aking mga kamay,
At sinabi mong handa kang maghintay.

Pero wala ka pa sa kalahati bumitaw ka na,
Diba sabi mo kaya mo maghintay,
Pero nalaman ko na lang na may iba ka na palang minamahal,
Umasa ako na hihintayin mo talaga ako.

Tama nga ang mga naririnig ko na,
Paasa at manloloko ka,
Diba sabi mo gusto mo magbago,
Na hindi ka na manloloko.

Pinaniwala mo ako na ako na,
Na ako na ang magpapabago sayo,
Pero hindi pala,
Hindi pala ako kundi sya.

Sa tuwing nakikita ko kayong magkasama,
Ang sakit, Ang sakit makita ang taong mahal mo na may kasamang iba,
Masaya akong nakikita ka na masaya ka sa kanya,
Masaya ako na naging kayo.

Kaya napagdesisyunan ko na,
Itigil ko na para hindi na ako masaktan,
At pipilitin ko na lang na maging masaya,
At sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka sa tabi ko.

***********
Don't forget voments guyss😊

SPOKEN WORD POETRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now