I am Single

5.2K 276 229

 [Dedicate ko kay Ate Denny kasi niFan back nyo ko dito sa watty at niFollow nya ulit ako sa twitter. Hihi :"> Baet baet ni Ate, salamat talaga ^____^]

"Ikaw ba si Alyssa? Ang naka-ALYSSA-kin?"

"Ikaw ba si Andy? Wag kang mag-alala ANDYto lang ako para sayo"

"Ikaw ba si Yana? YANAnaman ngiti mo eh, pinapakilig mo ako"

"I'm Gelo. I'm so GELOus pag may kasama kang iba"

"I Love you..."

Ilang lalaki na ba ang nagsabi sakin ng iba't ibang pick-up lines o banat? 

Ilan din ba sa kanila ang nagsabi ng totoong I LOVE YOU sakin?

Ilan din ba sa kanila ang ginamit lang ako?

Ilan din ba sa kanila ang pinaglaruan ako?

Ilan din ba sa kanila ang tinimer ako?

Ilan nga ba sa kanila ang niloko lang ako?

Madali lang namang sagutin yan eh.

Lahat sila. 

Parang ang dami nila.

Pero sa totoo lang, tatlo lang sila.

Silang tatlo, pare-parehas lang ang ginawa sakin.

Hindi ko alam kung sadyang pare-pareho lang ang mga lalaki.

O sadyang maling tao lang ang napunta sakin?

Hindi ko pa naman nalalahat ang mga lalaki para masabing pare-parehas sila.

Parang ang panget pakinggan.

Hindi ko naman gustong lahatin ang mga lalaki.

Gusto ko lang mapatunayan na hindi lahat manloloko.

Na may matino din. Na may magseseryoso rin sakin.

Hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa.

Alam ko may tamang oras para dun. 

May tamang panahon.

At may tamang tao na nilaan para sakin.

"Single may letters and flowers ka na naman dyan sa locker mo ah?"

"Kelan ka kaya mauubusan ng admirers?"

"Ang swerte mo talaga!"

"Ang ganda mo kasi eh."

"Matalino at talented pa, ano pa nga bang kulang sayo?"

Parang ordinaryong salita na lang ang mga yan pag naririnig ko.

Siguro nasanay lang ako.

Pero nakakasawa na din.

Nakakatamad na maging ganun ako sa paningin nila.

Parang hindi na kasi ako yung tinutukoy nila.

I am SingleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!