Bansang Itatama - Righted Nation

350 6 2

Hunyo 2013: Lungsod ng Quezon, NCR

   Nakaupo sa Sunken Garden (General Antonio Luna Parade Grounds) sina Pacifico, Jose at Esla. Nakaharap sila sa Malcolm Hall, ang College of Law. Bumulong si Jose kay Pacifico, "Ba't dito pa tayo sa UP? Wala ba kayong hideout or something?"

"First, brad, mali ang hideout, taguan tapos nasa labas?" sagot ni Pacifico habang tumitingin sa maulap na langit, "Second, dito sa Diliman, walang kebs ang tao sa mga pinagsasabi mo. Kahit pag-usapan pa natin ang kudeta, mas may care pa sila sa bagong iPhone o kaya sa latest sex scandal. 'Di ko alam kung anong meron dito at ganun na ngayon."

"Sobra ka naman! Nag-aral din kaya ako rito. Baka ikaw hindi."

"Nag-aral ako sa Europe. Pero sige, bahala ka. Mag-CR ka lang, makikita mo sinasabi ko."

"National university 'to. Syempre care nila national issues. Hello?"

"Sige nga, explain mo 'yung Sex Will Fix? Baka nga reflection ng bansa ang UP. Apathetic ang bansa, kaya apathetic na rin ang ating national university."

"Porke 'di lang umabot ng 50% ang university turnout?"

"Yun na nga eh. Dami nang pakulo. Sex Will Fix pa. Ganun pa rin. Sa Seoul nga, walang Student Council ng buong taon. 'Di umabot ng 50% turnout kahit nag-extend na, twice. Iba ang priorities ng UP, parang Pilipinas nga. 'Ika nga ni Nostradamus, only survival matters to man. 'Di na kailangan sumubok nang labas sa kailangan mong gawin para mabuhay."

"E anong tingin mo sa ginawa kong pagtanggap ng...?"

May tumigil na lalaki sa harap nila. May hawak itong isaw. Sabi niya, "Kayo po ba si Pacifico? Ako po si Tomas Noble, 'yung taga-Batangas ba."

Kinamayan siya ni Pacifico at pinakilala sina Jose at Esla. "Tinyente Tagalog, ang bagong kakampi mo. Ito si Pasa Hero."

"Ha? 'Di ko pa nabalitaan 'yan. Ano naman powers niya?" tanong ni Jose.

"Try mo lang."

Pinitik ni Jose ang noo ni Tomas. Dapat ay tatalsik siya sa kabilang bahagi ng Sunken Garden. Hindi nga lang ito ang nangyari. Ngumiti si Tomas at pinitik din ang noo ni Jose. Nagulat si Jose. Tumaas ang kilay niya. Ang tangi niyang nasabi, "Wow..."

Pumasok si Pacifico, "Impressed ka na?"

Hinawakan ni Jose ang noo niya. Tanong niya muli, "Anong nakain mo? 'Wag mo sabihing epekto lang 'yan ng isaw...?" Si Esla nakatingin lang sa nangyayari.

Kinamayan naman ni Tomas si Jose. Sabik niyang sinabi, "Ang suwerte ko. Nakita ko na si Tinyente Tagalog, may libreng demo pa ng lakas niya! Pa-autograph."

"Mamaya na," marahang sagot ni Jose, "hindi pa 'ko maka-get over..."

***

   Niyayang kumain ni Pacifico ang tatlo at ipinaliwanag na nakuha ni Tomas ang kanyang kakayahan mula sa pagkain ng isang maliit na pergamino. Pagkatapos kumain, naglakad ang apat sa UP Oval. May haba itong 2.2 kilometers.

"Speaking of coup d'état," bungad ni Pacifico, "kaya dito nag-usap dahil may nakuha akong impormasyon na sa July 8, magsasagawa ang ilang estudiante ng UP Mutiny. Kung matuloy nga 'to, baka last time niyo nang makita sa ganitong ayos ang UP."

"Mga mag-aaral ay magkudeta?" tanong ni Tomas.

Sagot ni Pacifico,"Oo, kahit na parang imposible mangyari 'yun dahil... Jose, 'wag mo takpan ang tainga ni Esla!"

Binitawan niya ang ulo ng bata at sinabing, "Ano bang mga pinagsasabi mo?! Nine pa lang 'ata 'tong batang 'to, tapos puro kudeta na naririnig niya?? Magaya 'yan kay Trillanes!"

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!