Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

 

Tweet us at

@SummitMedia_PH
@glimmerwattpad

_____

Read before you vote

 

 

Secretly Married Special Update 4

“Oh! Interview? Really? Kasama ka doon? Later? Akala ko si Kent lang.” parang gusto ring tumaas ng kilay ni Elisa. Sa pagkakaalam niya, nakagawa siya ng isang malaking bagay na hindi niya maisip na magagawa niya kanina.

Hindi niya kasi alam kung matatawa siya o maiirita kanina habang pinagmamasdan ang eksena sa pagitan ni Phoebe at ang ilang parang nababaliw na fangirls.

Ni hindi niya nga alam kung bakit siya humakbang palapit sa mga ito kahit na nagmamadali siya, para magtigil na ang pagpapantasya ng mga naturingang fans ni Kent Fuentabella pero walang ideya na nasa harapan na at hinahamak ang totoong asawa nito.

Di niya naman talaga layuning tulungan si Phoebe, pero nagulat na lang siya ng bigla na lang siyang napasugod para sabihan ang mga teenagers na walang kamalay-malay na hinahamak ang babaeng minsan niya ng sinagip ang buhay noon.

“Paulit-ulit? Di narinig kanina? Sinabi na ngang kasama eh, tatanungin pa ulit. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh.” Punung-puno ng sarkasmong sabi ni Jhone

O____o

“Shut up.” Matigas na sabi ni Elisa.

“Alis na tayo… Tara na…” halos di naman malaman ng mga fangirls kung saan sila lulugar. Para tuloy silang mga dagang nawala na lang at humalo sa kumpol ng tao sa di kalayuan.

Tska lang parang natauhan si Phoebe sa sa mga pangyayari. Mukha nga namang may ipinapamukha siya kay Elisa pero sa dalawang fangirls naman talaga siya naasar. Sa sobrang pagpipigil niya kasi kanina, di niya na naisip ang tunay na intensyon ni Elisa sa pagsabing siya si Mrs Fuentabella.

Ipinagdiinan niya pa sa mukha nito ang pamilya niya. Ngayon niya na lang kasi ito nakaharap at nakausap, mula ng mangyari ang mga masasamang alalala na iniisip niyang sana naging bangungot na lang. Matagal niya na talagang pinagiisipan kung paano ito pakikiharapan kung sakaling magkikita sila. Kung alin ba ang dapat niyang ikagalit, o dapat niyang ipagpasalamat, sa lahat ng nangyari.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!