1. Ultimate operation.

207K 2K 273
                                    

                                            1. ULTIMATE OPERATION.

“ZEE!”

Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Si Heidi. Nerd pero kikay. Syempre, kakaibiganin ko ba kung mabo-bore lang ako? Duh.

“Oh, bakit?” tinatamad na tanong ko sa kanya.

Nakakatamad talaga. First day of class. Tss.

“Ano'ng bakit? Sabay tayo, syempre! Hihi!”

I rolled my eyes. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kasama siya.

“Zee!” Dalawang magkasabay na boses naman ang tumawag sa'kin.

Napangiti ako. Naku-kumpleto na ang mga alipores ko. Joke. Hehe. Ang mga kaibigan ko.

“Kimmy! Lizzy!” Bati sa kanila ni Heidi. Hindi sila twins. Magkapatid lang. Ako naman nginitian ko lang sila.

Apat na kami. Isa na lang ang kulang.

“Hi, guys! Sorry, ngayon lang.” At ayan, dumating na siya. Kumpleto na kami.

Si Cathryn. Ang bestfriend ko.

“Cee!” nginitian ko ng malapad si Cath tapos lumapit ako sa kanya at ikinawit ko ang braso ko sa braso niya.

Naglakad na kami.

Sa likod, kasunod namin sina Heidi, Kimmy at Lizzy. Ganito naman talaga ang karaniwang pwesto namin.

Ang daming tao sa hallway ng seniors' building. Palibhasa first day ng school year kaya getting to know each other muna sila. 

Kaloka. Getting to know each other? Fourth year high school tapos getting to know pa lang?’Yung totoo. Joke ba sila? Ugh.

“Hi, Zey!”

I stopped when I heard a guy called me 'Zey'.

I heard Cath's chuckle.

Lumingon ako sa tatlong nasa likuran namin ni Cath. Tinaasan ko sila ng kilay. Sign 'yun na kabisado na nila.

“It's Zee, Jonathan. Zee.” Inungusan ni Kimmy ang bumati sa akin na si Jonathan.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon