WALANG KWENTA

105 2 0

Sana nga, ‘di na lang kita nakilala

Sana nga, ‘di ka na lang nagpakilala

Kung pwede lang sana

Iwan kita’t lumayo na.

Pinagsisisihan ko na tayo’y nagkatagpo

Mga araw na magkasama tayo

Pinagsisisihan ko na lahat lahat

Pati mga pangako’y nais makamtan.

Pinapahirapan mo lamang ako

Pati na ang puso’t kaluluwa ko

Ngumiti’t tumawa ‘di ko magawa

Nang dahil sayo ako’y nabahala.

Napakasakit para sa akin

Ang iwan mo kong nag-iisa sa hangin

Hindi mo ba ito matanto?

Sumisigaw ang puso kong ito.

Naging makasarili ka

‘di mo man lang ako inisip, sinta!

Labis ang pag-aalala ko

Ng ika’y biglang lumayo.

Lahat ng bagay ginawa ko

Para lang ika’y makasama ko

Pero ano? Iniwan mo lang ako sa tabi

Nang wala man lang pasabi.

Mundo ko’y winasak mo

 Puso ko’y dinurog ng husto

Ba’t pa tayo’y pinagtagpo

Kung iwan mo lang din pala ako?

Mas mabuti na ang ganito

Kaysa naman saktan mo ulit ako

Ngayon ko lang nalaman

Hindi ka pala mapagkakatiwalaan.

compilations of my poemsRead this story for FREE!