Chapter 43: Flashbacks (Vivien)

90.7K 1.4K 259

Chapter 43: Flashbacks (Vivien)

Sorry kung mej magulo ang Chs. 41 & 42. Mas nauna kong gawin yung 42 kesa sa 41 eh! Hahaha parang sira lang Anyhoo, eto na yung external link ng IIF characters. Sorry kung wala last chapter!

Kinakabahan ako sa chapter na 'to XD

Comment and vote pag nagustuhan!

-

College sweethearts ang parents ni Vivien. 3 months after ng college graduation nila nang nagdecide silang magpakasal. Hindi naman tumutol ang parents ng mga ito. In fact, tuwang-tuwa pa sila na nagpakasal ang dalawa.

Sa Pilipinas sya pinanganak, pero nagmigrate sila sa Taiwan nung 3 months old pa lang sya. Nagdecide ang daddy nya na dun magsimula ng business, habang nasa bahay lang ang mommy nya. Ito rin ang naging first teacher nya.

Bata palang mabait na si Vivien. Bihira ito umiyak, hindi rin ito makulit. Prim and proper sya. Ang tawag nga sa kanya ng daddy nya ay si "Sarah ang Munting Prinsesa".

Masunurin si Vivien sa parents nya. Kahit home-schooled sya, kitang-kita na ang katalinuhan nito. May inclination sya sa sciences at mathematics. Proud na proud ang parents nya sa kanya.

Kaya nanibago sya nang magdecide ang parents nya na bumalik ng Pilipinas, 7 years later.

She hated everything. The people, the climate, the culture. Mas gusto pa rin nya sa Taiwan, kung saan sya lang mag-isa, walang nakikialam sa kanya. Wala syang naging kaibigan sa Taiwan, bihira lang kasi syang lumabas lalo na't busy ang daddy nya at home-schooled sya.

Nahirapan syang mag-adjust nang pumasok ulit sya ng Grade 1 sa Charleston Academy. Kung tutuusin dapat pwede na syang ipasok sa Grade 2 kaso nag-insist ang grandparents nya na magsimula sya sa Grade 1 para masanay sa school system ng Pinas.

Ayaw nya sa school. Bored na bored sya sa mga klase nya nung Grade 1, napag-aralan na nya yun sa Taiwan. Akala tuloy ng classmates nya na genius sya, kaya medyo ilag ang mga ito sa kanya. No one dared to ask her if she wants to play with them. Well, ayaw din nya sa mga ito. Nagbabasa na lang sya ng books na pang-Grade 2 pag free time nya. Wala syang time para maglaro.

She kept these feelings to herself. Ang dami nyang comments about sa Pilipinas pero di nya masabi yon kasi ayaw nyang madisappoint ang parents nya. Prim and proper Vivien, prim and proper.

To sum up her elementary life, isa syang outcast. May ilan din syang kaibigan, pero hindi sya masyadong attached sa mga ito. Masyado kasi syang matured kesa sa mga kaklase nya. Nag-aral na lang syang mabuti para makapasok sya sa mga magagandang science high schools. Gusto nyang umalis sa school na yun, ayaw na ayaw nya sa school na yun.

Vivien graduated as the valedictorian of their batch, as expected. Proud na proud ang parents nya dahil dun. At that time pinanganak na si Liam, na sobrang ikinatuwa nya. She adores her baby brother so much. For the first time naging maalaga sya sa ibang tao. Laking pasalamat ng parents nya na may nagbago kay Vivien.

Kaso.. that summer before high school changed everything.

Kahit sya pa ang batch valedictorian, nakakagulat na hindi sya nakapasa sa kahit anong science high school na inapplyan nya.

Nalungkot sya dahil dun. Ginawa naman nya ang lahat ah! Nag-aral sya for 6 years sa epal na school na yun, ginawa nya lahat para makaalis sya sa lugar na tinuturing syang outcast. Gusto nyang makapasok sa lugar na kung saan machachallenge ang utak nya, hindi dito sa Charleston Academy na bilang lang ang challenging, pero natatalo nya.

If I FallRead this story for FREE!