BS 034

179K 2K 109

GAB'S POV

"Bakit kasi kailangang puntahan natin sina mama ngayon? Pwede next time na lang?"

Papunta na kasi kami ngayon sa bahay nina mama, matagal na kasi akong hindi nakakapunta doon simula nung humiwalay ako sa kanila o simula nung nagkaproblema kami. Ayaw kasi nila na lumayo ako o kahit yung course na pinili ko ayaw din nila. Hindi daw kasi pambabae yun. Baka daw manlalake lang daw ako kaya engineering kinuha ko. Kaya naging sobrang layo ng loob ko sa kanila, kasi bakit sa iba kong kapatid full support naman sila.

Hinawakan nya lang ang kamay ko, yung isang kamay sa manibela yung isa sa kamay ko. Anong balak niya pati kamay ko kasama kapag kumambiyo siya?

"Alam mo, Vince, minahal kita ng buong ikaw at kasama doon kung saan ka nagmula. Kung may problema man kayo ng pamilya mo, sana matulungan ko kayo kasi mas masaya na pag mag asawa na tayo wala ng magiging problema sa kanila."

"Pero sobrang tagal na din. Hindi ko alam kung matutuwa ba sila na makita ako at may kasama pa akong lalaki."

"Hahaha! Okay lang yun, gwapo naman ang magiging manugang nila."

"Adik, pero pwede huwag muna natin sabihin na engaged na tayo? Baka kasi mabigla sila, please?"

"Bahala ka."

Medyo kinabahan ako sa hitsura niya ngayon, bigla kasi siyang sumeryoso at binitawan niya yung kamay ko.






VINCE POV:

"Adik, pero pwede huwag muna natin sabihin na engaged na tayo? Baka kasi mabigla sila, please?"

Masakit pala na parang itatago ka. Ganun din naman yung ginawa ko sa kanya dati kaya nga halos ngayon lang siya nakilala ng pamilya ko pero nasasaktan talaga ako ngayon. Ikakasal na kami pero ba't kailangang hindi muna sasabihin? Kaya nga kami pupunta dun di ba? Tapos boyfriend lang?

"Bahala ka."

Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto niya. Baka nga siguro lalo lang silang magkagulo kung malalaman na ikakasal na kami eh ni hindi nga nila alam na nagkaboyfriend si Vince. Hindi na ulit siya nagsalita, mas okay na din yun kasi baka kung ano lang din masabi ko. Ayaw kong mangibabaw ang topak ko ngayon. Nakakahiya sa mga magulang niya kung totopakin ako. Kailangang maka-ipon ako ng GWAPO POINTS ngayon.

Kinakabahan din naman ako ngayon pero dahil gusto ko na talagang makasal kami ni Vince, kakalimutan ko muna ang kabang nararamdaman ko ngayon. Para sa aming dalawa ito. Para sa Vince Duo.

Pagkarating namin sa kanila, hindi kumikilos si Vince para bumaba ng sasakyan. Siguro mahirap talaga para sa kanya tong gagawin namin. Nung bumaba na ako saka pa lang siya kumilos. Paano ba mawawala ang kaba ko kung pati siya kinakabahan din? Pagkapasok namin sa bahay nila, andun ang mama at papa niya, lalo tuloy akong kinabahan.

"Ma, Pa, si Vince Michael po."

"Mabuti at naisip mo pa kaming puntahan, Gabrielle."

"Ma, sorry po."

Parang maiiyak ang hitsura ni Vince. Ayaw ko siya na makitang ganyan.

"Good afternoon po, Sir, Ma'am. Ako po si Vince Michael Villaluz, boyfriend po ng inyong anak. Natutuwa po akong makilala ang magulang ng babaeng pinakamamahal ko."


"Buti ka pa natutuwa na makilala kami samantalang ang anak namin mukhang kinalimutan na kami."

"Hindi naman, Ma. Kailangan ko lang patunayan na kaya ko. Na masaya ako sa pinili kong kurso, sa pinili kong trabaho. Kahit kailan hindi ko kayo nakalimutan. Sorry kung ganun ang dating sa inyo."

"Ngayon mo lang kami naaalala at may kasama ka pang boyfriend?"

"Ma, hayaan mo na ang bunso natin. Baka pagod yan sa biyahe. Mukha namang matino yang boyfriend niya. Gabrielle, kumain na ba kayo?"

Medyo nawala ang kaba ko ng kaunti dahil sa ama niya. Mabait naman pala. Siguro namiss na din niya ang anak niya kaya parang kinalimutan niya muna ang tampo niya.

"Pa, hindi ko boyfriend si Vince. Fiance ko po siya."

Napatingin ako kay Vince, nagulat din kasi ako sa sinabi din niya.

"Magpapakasal na po kami Ma, Pa. Sana mapatawad niyo ako pero masaya ako na magpapakasal ako kay Vince. Sana Ma, Pa, andun kayo sa kasal namin kasi mas magiging masaya ako. Sorry po ulit sa lahat."

Umiyak na si Vince, ewan ko pero parang naluluha na din ako.

"Gabrielle, hindi ba masyado pang maaga kung magpapakasal kayo? Buntis ka ba?"

"Opo buntis na siya kaya kailangan po naming magpakasal agad."

Napatingin si Vince sa akin, gulat na gulat siya. Yung mga magulang niya gulat na gulat din.


"Ganun ba, hijo? Wala na pala kaming magagawa kung ganun. Dito muna kayo magpalipas ng gabi para makilala naman namin ang magiging manugang namin. Sige magpahinga na kayo."


Pagkapasok namin ng kwarto niya, pinagkukurot ako ni Vince.


"Bakit mo sinabi na buntis na ako? Ang adik mo!"

Niyakap ko siya. Sobrang higpit na yakap na gustong gusto kong gawin kanina dahil sinabi niya na ikakasal na kami.

"Para mapikot na kita, Vince. Gusto ko na makasal na tayo baka umayaw pa sila. Sobrang mahal na mahal kita "

"Sige, magpapapikot ako sayo Vince MIchael. hindi ko man madalas sabihin pero mahal na mahal talaga kita"

Hinalikan ko siya sa ulo. Medyo naluluha na talaga ako, minsan lang talaga siya magsabi na mahal niya ako. Sobrang saya ko lang. Pumayag na siyang magpapikot. Dapat pala magkatotoo na mabubuntis na siya. Dapat bilis-bilisan mo ang paggawa ng magiging apo nila Vince Michael Villaluz.


_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!