Chapter 51: Go away

908 21 3

Chapter 51: Go away

Lenzie's POV

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Ma'am saan po ba tayo?" napatingin ako kay Manong Caloy na patuloy sa pagdadrive habang tumitingin tingin sakin.

Napabuntong-hininga ulit ako. Hindi ko din alam, e. Basta ang gusto ko lumabas sa bahay. Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog. May Voice Mail na sinend sakin si Yahnie.

Ilang araw din siyang hindi nagtext o tumawag man lang. Kahit sa school hindi niya ako pinapansin. Minsan nga inisip ko na baka nga si Shane na talaga ang bestfriend niya.

Hindi ko naman sinasadya sa sabihin sakanya na hindi na niya ako bestfriend. Masakit lang talaga sakin na mas kinampihan niya pa si Shane na ilang months niya pa lang na nakakasama kaysa sakin na ilang years na.

Nanginginig ang kamay ko habang nilagay ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello Lenzie." malungkot akong ngumiti. Ang tamlay ng boses niya. Hindi na siya yung Yahnie na palaging masaya sa text o sa tawag. "Kamusta kana? Sorry ha? Kasi hindi ako nageffort na kausapin ka, alam ko kasing galit ka pa din sa ginawa ko kaya hindi muna ako lumapit sayo." narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Alam ko naman na kahit anong explain ko sayo hindi mo ko maiintindihan. Hindi mo maiintindihan kung bakit ko kinampihan si Shane." narinig kong humikbi siya. "Sorry talaga Lenzie. Alam kong hindi sapat ang sorry ko at alam kong hindi mo ko kayang patawarin sa ngayon kaya.." narinig kong suminghot siya.

"Lalayo muna ako. Sa pagbalik ko aayusin ko ang lahat. Sana makapaghintay ka Lenzie. Ayokong dito masisira ang pagkakaibigan natin. I love you Sissy." Bumuhos ang luha ko.

Umalis na si Yahnie, wala na ang bestfriend ko.

"Ma'am ano pong nangyari? Bakit ka po umiiyak?" natatarantang tanong ni Manong Caloy.

"Punta po tayo kila Yahnie." Baka sakaling paalis palang siya at maabutan ko pa sa bahay nila. Papatawarin ko na siya wag lang siya umalis.

Tinawagan ko siya kaso cannot be reached na kaya si Tita Cristine ang tinawagan ko.

"Hello Tita."

("Lenzie napatawag ka?")  kinagat ko muna ang ibabang labi ko.

"Uhm, tita aalis po ba kayo?"

("Uh. Yes Lenzie bakit nandito na kami sa airport.")

"P-pwedeng pakausap muna kay Yahnie?" narinig kong bumuntong-hininga si Tita.

("I'm sorry Lenzie, hindi namin kasama si Yahnie pero umalis din siya. Sa Singapore kami pupunta at si Yahnie..") narinig kong napabuntong-hininga ulit si Tita. ("I'm sorry Lenzie pero pinapasabi kasi ni Yahnie huwag kong sabihin sainyo kung nasan siya. Hindi ko din alam kung bakit, ayaw naman niyang sabihin yung problema niya.")

Napangiti ako ng malungkot. Ayaw talaga ni Yahnie na ipaalam ang problema niya kahit kanino. Kahit nga sakin 'non ayaw niyang sabihin dahil alam niyang mag-aalala lang ako at ayaw niyang mangyari yun. Ang gusto siya lang nakakaalam sa problema niya. Hindi dahil selfish siya, gusto niya lang talaga na hindi mag-alala yung mga taong mahal niya.

Ganyan si magmahal si Yahnie na kahit nahihirapan at nasasaktan na siya basta masaya yung mga taong mahal niya ayos na sakanya.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!