BM17 - Facebook

23.8K 783 14
                                    

Chapter 17

Jeisen Jee POV

Dumeretso na agad kaming tatlo sa condo ni Shasha. Every corner of it painted with color green. May ibang halong kulay naman pero lamang talaga ang berde.

May mga paintings din na nakasabit sa dingding, mga family pictures at selfies niya. But I feel like this place looks so bittersweet.

"Mukha kang masayahin pero ang totoo malungkot ka." Napalingon naman ang dalawa ng magsalita ako. "Gusto mo ang kulay na green dahil nakapag bibigay ito ng kapayapan sa 'yo. Dinadaan mo naman sa pagpipinta ang mga nararamdaman mo dahil mag isa ka lang. Naintindihan ko na kung bakit mas gusto mo kasama ang mga kaibigan mo."

Totoo nga na ang pinakamasayahing tao ay 'yon din ang pinaka malungkot. This is how I see Shasha.

"Paano mo nalaman flower girl?" Tanong naman niya ng makaupo kami sa sofa.

"Dahil 'yon ang sinasabi ng nakikita ko sa'yo. You have a deep need to belong, to love and be loved, and to feel safe and secure. You need acceptance and acknowledgment for the everyday things you do for others. Just a 'thank you' is sufficient. That's what color green means. "

Nalungkot naman ang mukha nito.

"Tama ka nga flower girl. Parehong may pamilya na ang parents ko. Although hindi naman sila nagkulang sa pinansyal pero ang presensiya naman nila wala. Kahit na recognition that I'm doing good in school ay wala rin. "

Now I understand that one of the hardest thing you could give to someone is time. Just like what others, it's not how busy you are but the priorities to choose. Shasha is longing for her parents love and attention. I can't say I'm a product of a broken family but we were happy back then. I'm still fortunate though.

I looked at her and painted a small smile. Gusto kong ipakita sa kanya na naiintindihan at nandito lang kami para sa kanya.

"Don't make iyak girl. We are nandito naman for you eh."

Nakiyakap na rin ako pagkatapos sabihin ni Aicel 'yon. I am really building a friendship with them. Pero natatakot ako na baka 'pag lalo silang napapalapit sa 'kin ay madamay sila sa misyon ko.

"Salamat mga flower girls. Ang drama natin ha. Dapat happy lang tayo. Hihihi"

Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan uli siya.

"You know what Sha? In the three of us, you are the strongest. Mahirap labanan ang emosyon and you manage it well. What I can see in you is your light, your light even if you are in the darkest world. That only proves you are the living felicity of the wretched. Thank you for making us happy Sharmina."

"Salamat flower girl ha. Nakaka nosebleed naman 'yon, ang lalim eh" Nag pahid muna siya ng luha sa mata. "Sisisirin naba namin yan? Hihihi"

"She's really lalim talaga girl. She make also usap to me about my parents and you are wala that time. I have so many natutunan at na understand sa kanya."

"Mahal na mahal mo seguro ang pamilya mo flower girl no?"

Napaka importante nila sa akin Sha.

Bumuntong hininga ako.

I don't like sharing stories about my family.

"Tama na nga ang usapang magulang na 'yan. May trabaho pang naghihintay sa akin no." Sabi ko naman. Pinaglalabas naman agad nila ang mga pinamili namin.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon