Pagkatapos nun, nagbonding lang kaming tatlo. Gwen's a good friend, she really is. Ang bait nya at masayahing tao. Nabulag lang talaga sya sa pagibig kaya ganun ang nangyari sa kanya.
"Sure kang ayaw mong sumabay?" tanong ni Gwen sakin.
"Oo, sure na ako. Papasundo na lang ako sa driver namin" sabi ko.
"Okay" lumapit sya sakin at niyakap ako, "Thank you" bulong nya sa tenga ko.
Umuwi ako sa bahay at nakita ko si Xander dun. Niyakap nya ako tapos umupo kami sa sala.
"I missed you" sabi nya tapos kiniss nya ako sa cheeks. Niyakap ko lang sya.
"Kamusta ang vacation?"
"Masaya. Naglaro nga ako dun sa hinahabol yung baboy eh. Sayang! Dapat andun ka!" sabi ko.
Pinagpaalam nya ako kasi pupunta kami sa bahay nila. Sumakay kami sa kotse nya tapos nagdrive sya papunta dun.
"MYRTLE!!!!!!" sigaw ni Tita Melody. Niyakap nya ako ng mahigpit tapos hinalikan nya ako sa magkabilang pisngi. "Miss na miss na kita!" dagdag nya
"Ako din po" sabi ko. Pinaupo nya kami sa sala tapos nagpadala sya ng makakain.
"So, kamusta kayong dalawa?" tanong ni Tita samin.
"Mom, stop it" sabi ni Xander
"Manahimik ka Alexander!" saway ng mama nya, "How's your relationship?" tanong nya
"Going stronger po. Mag 4 months na po kami" sabi ko. Tumili sya tapos tumawa habang pumapalakpak, hala??
BẠN ĐANG ĐỌC
Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O I
Lãng mạnPaano kung ang landas ng isang TOMBOY at isang HEARTHROB ay magtagpo dahil lang sa isang natapong ICE CREAM? And worst, naging SILA pag dalawa? Magiging maganda ba ang takbo ng relasyon nila? Magiging malakas ba silang dalawa para sa isa't isa? O bi...
CHAPTER 35 - Bestfriends Again
Bắt đầu từ đầu