C29: Luna

184K 3.9K 797
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sapagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wagspoiler. No papansin allowed. Char! Haha.    


---

John Philip's POV

 "Thania."

Hindi ako nakarinig ng tugon kaya nilingon ko siya. Nakahiga na pala siya at himbing na himbing na sa pagtulog. Napangiti na lang ako. Minsan gusto kong isipin na siya si Freya. Si Freya na masayahin, mabait at mabuti sa mga tao pero sa tuwing titingin siya sa mata ko. Sa tuwing magsasalita siya'y para bang nagigising ako sa katotohan na hindi si Freya ang nasa harapan ko

"Wag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mag-isa, Philip."

May kung anong kumirot sa puso ko nang narinig ko ang binulong niya. Kahit kailan talaga nagsasalita siya habang natutulog ... katulad ni Freya. Sana nga panaginip lang ang lahat. Hindi na sana ako naiipit sa sitwasyon na ito. Pero wala na akong magagawa, nangyari na ang dapat mangyari. Nagawa na ang dapat na gawin.

Kung papapiliin lang ako, kung bibigyan muli ako ng pagkakataon. Sana naitama ko na nung umpisa pa lamang. Sana nagawa kong protektahan si Freya ... ngunit nabigo ako. Pangako. Isang pangako.

Lumapit ako sa kama at kinumutan ang nanginginig na si Thania. Lumabas ako ng bahay.  Naalala ko muli ang gabing iyon...

"Bakit ka naparito? Tatanggapin mo na ba ang alok ko?" Nakangiting sinabi niya habang nilalagay niya ang itim niyang flute sa lamesa. "Alam mo namang kaunti lang ang nakakaalam ng lugar na ito at napakaswerte mo na nakapunta ka rito."

"Tungkol sa alok mo," wika ko. "Anong gagawin mo kapag tumanggi ako?"

"Mapipilitan akong patahimikin ka."

"Kapag ba pumayag ako..." Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang-isip akong ituloy ang mga sasabihin ko ngunit isa lang ang dapat kong gawin, kailangan ko nang pumili ngayon.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya."Tulad ng sinabi ko sayo dati kami lang ang kakampi mo Philip. Kami lang ang makakapitan mo. Kami lang ang kayang tumulong sayo. Maari mong patayin ang mga taong kinaiinisan mo. Kayang kaya mo yun Philip basta..." Lumapit pa siya sa akin at dinuro ang puso ko. "Basta sapat ang galit na nadarama mo."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Dati pa nagsisimula ang laro. Ikaw na lang ang hinihintay," dagdag pa niya.

Masyado akong nagpadalos-dalos. Sa tingin ko, mali pa rin ang napili kong daan. Tinignan ko lang ang mga kumukutitap na bituin sa langit. Hindi ako natigil sa pagtitig dito hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Philip."


 Anne's POV

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon