Chapter 53 Lagi Kana Lang Nasa Isip Ko!

15.7K 250 1
                                    

Prince Anhiro Point of View

Lumabas ako sa kwarto namin ni seyah at sa living room nagdiretso. Bakit ba kasi pumunta pa siya dito? Buti nalang hindi niya nakita si seyah at buti nalang talaga wala ang ate Anthea ko, kung hindi, magkakaroon ng gera dito sa bahay.

"Hindi na ako babalik sa Japan." straight to the point kong sabi.

"3 years na kayong naninirahan dito at 2 years nalang ang natitira. Pagkatapos nun, magpapakasal na tayo diba? 'Yun ang sabi ng lolo mo."

"Kosuri." mahinahon kong tinawag ang pangalan niya.

"Kosuri. Huh! Kosuri. Napakagandang pakinggan sa tainga ko. Sa tuwing tinatawag mo ng ganyan ang pangalan ko." Napatungo nalang ako sa kanyang sinabi.

"Maghihintay nalang ako. Kung kailan mo gustong bumalik sa Japan." Hindi ako tumitingin sa kanya.

"Okay lang. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyari ito eh. S-sige. A-alis na ako." kinuha na niya ang kanyang bag at tumayo na at umalis samantalang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis na siya. Huminga ako ng malalim at bumalik na sa kwarto. Kumakalam na ang tiyan ko, hindi pa nga pala kami kumakain ng almusal. Pagdating ko sa kwarto, nakita kong nakabihis na siya ng school uniform.

"Late na tayo ng isang oras!" sabi niya na tarantang-taranta pero sumandal lang ako sa pader at nagcross arm sabay tinitigan siya.

"Ohh? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"Ang cute mo pag natataranta ka."

"Huh?! Ehh. Maligo kana nga! Late na nga tayo may paganyan-ganyan ka pang nalalaman!" nakikita kong pumula ang kanyang pisngi. Tsk Tsk. Ayaw lang ipahalata na kinikilig siya sa sinabi ko. Haay! Mga babae talaga.

Pumunta nalang ako ng bathroom at naligo na. Pagkatapos kong maligo, nakita ko siyang nasa study table na nagsusulat.

Huh? Para saan naman yang sinusulat nito? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at gugulatin sana siya kaso...naramdaman niya akong nasa likod niya kaya nagkunwari nalang ako na walang gagawin.

"Ano yang ginagawa mo?" tanong ko.

"Nakalimutan kong gumawa ng assignment kagabi kasi madilim. May assignment kaba sa physics? Patulad naman!"

"Wala akong sagot."

"Nag-aaral ka ba?" she asked. Anong klaseng tanong naman 'yan? Malamang nag-aaral ako kasi pumapasok ako.

"Oo naman." I answered.

"Bakit parang lagi-lagi nalang nakikita kita na tulog sa klase? Kung sa bagay, bakit pa ako aasa na may sagot ka sa assignment natin."

"PANO AKO MAKAKAPAG-ARAL KUNG LAGI KANA LANG NASA ISIP KO!? KAYA IDINADAAN KO NALANG SA TULOG KASI NAKAKABOBO KA!!"

"Oh? Ahh..Eh..Ahh..Hah?! B-bakit k-ka naninigaw?"

"Eh kasi ang daldal mo!"

"Hah?!" Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Ang hirap niya talagang patigilin sa pagdaldal. Aish! Nakakapagsalita na tuloy ako ng mga kung ano-ano sa kanya.

Mesaiyah's Point of View

Anong problema nun? Bakit bigla-bigla nalang naninigaw?

at ano daw? Paano daw siya makakapag-aral kung lagi nalang akong nasa isip niya kaya idinadaan nalang niya sa tulog kasi nakakabobo ako?

Hah?!Anong nakain nun at nagkaganun? Hindi pa naman kami nagaalmusal ah.

Niligpit ko na ang gamit ko at inilagay sa bag at sumunod na sa kanya sa kusina para kumain ng almusal. Kanina pa ako nagugutom.

"Manang pano nakapasok dito si Kosuri?" tanong ni stranger.

"Pinapasok ko po." sagot naman ni inay at tumingin ako kay stranger. Tsss! Minsan talaga kapag nagtatanong si stranger hindi nag-iisip, alangan namang pumasok siKosuri sa bahay niya na walang nagpapapasok? Tsss!

"Maganda po ba ang tulog niyong dalawa kagabi?" tanong ni inay.

"Hah?!" sabay pa naming nasabi yan ni stranger kaya napatingin kami sa isa't-isa.

"Naaawa po kasi ako sa'yo Prince. Sa sofa ka natutulog kaya binuhat kita..at dun pinatulog sa tabi ni saiyah." Si inay pala ang may kagagawan kung bakit paggising ko naging katabi ko na siya..pero..

"Nakaya mo inay buhatin siya?" tanong ko.

"Opo."

Naiimagine ko tuloy kung anong itsura ni stranger nung binuhat siya ni inay.Hahahaha! Parang bagong kasal ang pagbuhat ni inay kay stranger tapos mahigpit pa itong nakayakap kay inay habang mahimbing ang tulog. Hahahaha!

"Teka nga? Ehh. Bakit nagpapabuhat ka pa kay inay eh matanda na nga siya!" mataray ko na sabi kay stranger.

"Hindi ko naman alam na binuhat niya ako!"

"Feeling baby." mahina kong sabi.

"Anong sabi mo?"

"Wala..po..akong sinabi." sagot ko at tiningnan ko yung orasan sa kusina. One and a half hour na kaming late! Patay! Kapag late ka pa naman sa school, may parusa. Ewan kung anong parusa. Nakikita ko kasi sa ibang late na estudyante nagcocommunity service sila eh. 'Yung iba pinaglulupang hinirang mag-isa sa school ground,'yung iba pinageexercise isa-isa, 'yung iba naman pinagsusulat sa 5 pieces na yellow paper na'hindi na ako malalate' back to back at kailangan walang space na matira at kailangan ioccupy lahat ng space ng salitang 'yun. Grabe diba kapag nalate? Ano nalang ang ipaparusa samin ng mga Student Council officers na nagiintindi sa mga late?

Nagtatakbo ako papunta sa motor ni stranger kung saan inistart niya ito at handa ng lumakad, muntikan ko pang malimutan ang bag ko kaya agad-agad akong bumalik sa kwarto para kunin 'yun. Nakuha ko na yung bag ko at may balak pa yatang iwan ako ni stranger. Sasakay na sana ako kaso biglang niyang pinaandar. Sasakay na ulit sana ako kaso biglang pinaandar niya ulit. Nang-aasar na naman eto >___<

"Hoy!Late na nga tayo!!" inis na sigaw ko at imbis na itigil niya ang motor at maging seryoso..dinilaan niya lang ako.

Aish! Nakakainis na talaga! Makakarating na kami sa school ng ganitong sasakay na ako pero bigla niyang pinapaandar, nakakainis diba? Bahala ka sa buhay mo! Akala mo sasakay pa ako sa motor mo! Iyong-iyo na yan! Aish!

Inay Tessie Point of View

Lagi man silang nag-aaway..ang cute pa rin nilang tingnan kasi ang kulit nila. Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong masaya si Prince sa piling ni ma'am saiyah. Ngayon ko lang nalaman na makulit din pala siya. Sa haba ng taon na pagiging katulong ko sa kanilang pamilya, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti..ngayon nalang ulit.

Simula ng umalis kami sa Japan at dito na nanirahan, mabibilang mo lang ang araw na ngumingiti siya. Haaay! Nag-aalala ako sa kanilang dalawa kapag nalaman ito ng lolo ni Prince. Tumalikod na ako mula sa bintana at pumunta na sa kusina dahil marami pa akong gagawin na gawaing bahay.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon