Chapter 2

23.2K 292 9
                                    


Chapter 2

Trespasser


++Macey++

"Jerome?" Thank God I didn't stutter.

He picked my eyeglass up and cleaned it. I keep my expression calm and let myself think of other things. I wonder why he came here? Hindi naman iyan mahilig magala lalo na at magsisimula na ang klase.

"Here." Inilahad niya ang antipara ko. Inabot ko iyon at nilakasan ang loob kong salubungin ang tingin niya sa akin.

"Salamat." Kaagad ko yung sinuot sa akin just to keep myself busy and forget how fast my heart beats. Damn him and his effect on me.

"Mac—" muli akong tumingin sa kanya just to find him looking at my wounds with an irritating expression. Kaagad ko yung iniwas sa kanya dahilan para mabalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Bakit?" walang emosyon kong tanong.

"You didn't answer my messages." That wasn't a question.

"Ha?" umakto akong nabigla pa sa sinabi niya. "I haven't checked my phone yet. I'm sorry." Which is a lie, I saw it but I ignored it because I'm still pissed at him.

"Okay." I can see in his eyes that he doubted what I said, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbuntong hininga niya. "Just visit the infirmary later and clean your wounds there."

Tinanguan ko nalang siya. This is so awkward.

"Kath tara." Hinawakan ko ang kamay niya at magsisimula na sana akong maglakad palayo ng maramdaman kong may humawak sa kabilang kamay ko dahilan para manumbalik ang bilis ng kabog ng didbdib ko.

"I'm sorry." Halos malunod ako sa tinging pinupukol niya sa akin, mababa at malumanay ang tinig niya hindi kagaya kanina na punung-puno ng awtoridad. Ngayon may pagmamakaawa ang tinig niya. Pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako kay Kath na nakatingin din sa akin at may nakakalokong ngiti. Kinikilig nanaman ang isang ito, panigurado.

Napabuntong hininga siya nang hindi ako sumagot saka dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Kitang-kita ko ang pagkabigo sa mga mukha niya. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa amin.

Tingnan mo pagkatapos niya akong konsensyahin ng ganito basta nalang siyang aalis. Naku Storm! Pasalamat ka----Ay pasalamat ka talaga!!

Kinalabit ako ni Kath at nginunguso si Storm.

"Sorry daw" bulong niya pa sa akin habang nakangiti nang nakakaasar. Napabuntong hininga ako. Atleast nagsorry siya.

Muli akong huminga ng malalim, wala namang ibang tao sa Corridor diba? Walang makakarinig kong sisigaw ako? Mukha namang malayo na sila Ella, so everything is clear. Inipon ko talaga ang lahat ng lakas ko.

"Storm!!" Kaagad siyang napalingon. "Pinapatawad na kita!" pagkatapos kong sabihin iyon kaagad ko ng hinatak si Kath.

Takte iyong puso ko ang bilis ng kabog tapos basta nalang akong napapangiti ng hindi ko alam kung bakit. Walangya!

"Oy kinikilig siya aminin." Pang-aasar ni Kath habang nakaupo siya sa desk ng katabi ko.

"Hin—"

"Hep! Don't deny it! Ako nga itong nanunuod lang sa inyo kilig to the bones na ikaw pa kaya, aminin mo kinilig ka hahaha magkakalovelife ka na!" tumatawang sabi niya may kasamang palakpak pa. "Ay wag pala muna magiging alone ako. No pakipot ka pa ng konti." Napangiti ako ang kyot niya talaga.

"Psh!"

"What?"

"OA mo."

"OA? Eh noong hindi ka sumagot, parang binagsakan ng langit at lupa yung mukha niya...tapos noong sinabi mong 'pinapatawad na kita' parang bumukas ang langit at nagkantahan ang mga anghel. Makakalaglag panty iyong ngiti niya teh! Gosh! nagkakasala ako kay Ultimate crush nito eh pero kilig talaga!!" nakahawak pa siya sa magkabilang pisngi niya at kilig na kilig.

The Gangster's Princess (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon