Chapter 40

3.4K 47 13
                                    


Vice's Pov

"Osige na. Lalarga na ako! Babushhhh!!" paalam ko sa mga beki-friends ko.

Dumalaw ako sa condo nila e.


Ewan ko ba kung bakit? hahaha


So.. Pababa na ako sana ng may narinig ako'ng bata at lalakeng nagtatawanan.

Mukhang nagkakasiyahan sila a. Naaalala ko tuloy yung tatay ko. kahit ganon yun, love na love ko si Pader.

"Daddyy!! Balik ka kagad!" Aba! dadaan ko pala yung unit nila.


Teka! Parang kilala ko yung lalake...


Si Vhong yun.


Saka si.. Steven?

Magkayakap.


Dito nga rin pala ang condo ni Vhong.

Siya kaya yung sinasabi ni Anne?..


Nagtago muna ako sa may pader. Tinignan ko muna sila at pinakinggan.

"Daddy..Balik ka kagad!" sabi ng bata kay Vhong


"Steven, Di ako sure kung makakabalik ako kagad. Busy ako e" sagot ni Vhong ay hinaplos haplos ang buhok ng bata.

Daddy?

May lumabas na babae

"Steven, paalam ka na sa Dadddy mo." sabi nung babae

Siya siguro si... Sophia.

"Bye, Daddy" hinalikan ni Vhong yung Noo ng bata at tinungo ang elevator.

Ano kayang ibig sabihin non?

Hindi kaya...

O My God!

Sasabihin ko ba kay Anne?

Pero pag sinabi ko..


Masasaktan siya..

GGRRR!!

Loko loko ka Vhong! Ba't mo niloko si Anne!

*


"Bakla!!" nagising ako sa pagde-day dream ng may sirena ng ambulansya ang tumunog

"Sino sinugod sa ospital?!" ekseheradang sigaw ko habang naghi-hysterical ako.


"Sira! Tinatawag lang kita. Wala sinugod sa ospital" kala ko pa nama -_-

Kanina pa ko tulala dito.


Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Anne ang mga nakita ko kagabi.


"Ano ba tang iniisip mo? kanina ka pa tulala?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.


"Anne.. pano kung may iba talaga si Vhong?" halatang nagulat siya sa tanong ko.

"Ha? Di ba sabi mo sa akin, wag na akong mag-isip ng ganya? saka nilinaw na sa akin ni Vhong na wala talaga." Hindi talaga umamin si Vhong ha.

Mr. And Mrs. NavarroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon