4 - GRAMMAR/BALARILA

537 26 11

Study Partner, kaway-kaway naman!

Ano na?

Nang mabasa mo ba ang mga katagang Basic Grammar at Language ay nag-flashback ba ang mga aralin mula sa iyong stock knowledge? Na-retrieve mo na ba ang mga impormasyon sa iyong Alzheimers box? Sinubukan mo naman bang magbuklat ng inaagiw nang textbooks, o kinatok mo man lang ba si Mr. Google?

Magpa-quiz kaya ako rito...

"Lee, exempted ako r'yan, ah." Sumulpot na naman si Mitoy sa tabi ni Rainydusk. Pinagkikiskis pa nito ang dalawang palad habang nakangiting-aso.

"At bakit ka naman exempted?" taas-kilay niyang tanong dito.

"Kasi hindi ako nag-review."

Joke 'yon? Ay, ambot!

Tulad ni Mitoy, exempted ka rin 'no? Sige na nga, mag-review tayo.

BABALA: Bawal malula. Bawal tamarin. Kung gusto mo ng shortcut key at ng survival kit para sa tulad mong nangangarap maging epektibong manunulat, heto na iyon. Kaya huwag mo lang itong alamin kundi kilalanin mo ang mga ito.

Again.

Kilalanin mo ang mga ito tulad ng kung gaano mo hinding-hindi maaaring makalimutan ang mga bestfriend mo o ang mahal mo.

Gano'n iyon.

Let's begin!

Grammar/Balarila (Gramatika)
- whole system and structure of language. (Kabuuang sistema at balangkas ng wika.)

Parts of Speech/Bahagi ng Pananalita

NOUN (PANGNGALAN) referred names (pangalang ipinantutukoy)

PRONOUN (PANGHALIP) -- replaces noun (panghalili sa pangngalan)

ADJECTIVE (PANG-URI) -- describes nouns or pronouns (naglalarawan sa pangngalan o panghalip)

VERB (PANDIWA) - action words (kilos o galaw)

ADVERB (PANG-ABAY) - describes verb, adjective, adverb (naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay)

PREPOSITION (PANG-UKOL) - expresses a relation to another word (nag-uugnay ng relasyon [o posisyon] sa iba pang salita)

CONJUNCTION (PANGATNIG) - connects words, phrases, or sentences (nag-uugnay sa mga salita, parirala, o pangungusap)

INTERJECTION (PANDAMDAM) - shows strong emotions (nagpapahayag ng matinding damdamin)

*NOTE: Sa makabagong Balarila ay hindi na isinama ang Interjection (Pandamdam). Kung bakit? Masyado na raw kasing nakaka-nosebleed. Joke! Ayon sa mga eksperto, kahit anong salita ay maaaring ituring na PANDAMDAM depende sa pagbigkas.

Mas mainam na kilalanin ang 8 Parts of Speech (following English Grammar, para kumpletong walo ang alam mo). Ito ang pundasyon -- ang primary tool sa pagsusulat kaya tiyakin mong pamilyar ka rito.

Mahalaga na kabisaduhin mo ang mga ito, dahil hindi maglalaon, kusa na itong magiging parte ng sistema mo. Ang Filipino Balarila at English Grammar ay halos pareho ng istruktura kaya kahit ano sa dalawa ang mas gamay mo, maaari mo pa ring i-apply iyon sa parehong languages. Just make sure, mag-focus sa isa muna para magkaroon ng mastery.

Malamang sa hindi, nang mabasa mo sa unahan ang mga pangalan ng Bahagi ng Pananalita (Parts of Speech) ay napapaisip ka, Ah, oo. Alam ko ito, eh. All you need is to recall and get acquainted with them. Review. No need to discuss it now. Not here. They are too basic.

Heto ang tip ko sa iyo. Para mas makilala mo ang Parts of Speech, magbasa ka. Ang totoo, kahit ito mismong binabasa mo ngayon (yes, itong Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat), puwede mo nang simulan dito ang pag-review. Habang binabasa mo ang bawat sentence dito, try to identify each word. Ask yourself: What kind of Parts of Speech is this?

There's no other way.

Walang ibang shortcut. Kapag kinilala mo at naging pamilyar ka sa 8 Parts of Speech, mas madali na ang mga susunod pang proseso ng pagsusulat.

Familiarity. This is the easiest trick.

------------------

*Ang Parts of Speech (Bahagi ng Pananalita) ay nai-discuss ko po sa aming free one month virtual class/online workshop one year ago (Mid of 2016) na pinamagatang: Time Machine. Maraming salamat sa mga nakilahok!

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!