5 - BE MY CRITIC 1 of 2

310 33 45

"We claim we are writers, therefore, we are writers.
We claim we're beautiful, so paki nila?"
-W.o.W. ni Rainydusk

***

BE MY CRITIC 1: The Story of Mitoy, the Writer

May ungol na narinig si Rainydusk -- ay, hindi pala. Hindi ungol kundi atungal.

Luminga-linga siya ngunit puro higanteng pahina ng aklat ang nakapaligid sa kaniya. Unti-unting lumalakas ang nakatutulilig na tunog na iyon. Papalapit nang papalapit. Hanggang sa...

"Lee!"

Paglingon niya ay nakita niya ang pangit na mukha -- este -- ang lukot na mukha ni Mitoy, puno ng luha ang mga mata.

"Lee!" muli nitong atungal, akma pang hahawak sa braso ni Rainydusk.

"Eew!" Sabay hakbang palayo ni Rainydusk para umiwas. "Don't touch me! May sipon 'yang kamay mo."

Tiningnan nito ang sariling kamay saka nagmamadaling ipinahid iyon sa t-shirt nito.

"Ano ba kasing nangyari sa 'yo, Toymits?"

"It hurts, Lee." Sabay singhot. "'Yong masterpiece story kong isinulat, may humamak!" Ngumawa na naman ito.

"Wait lang, nga. Paanong may humamak?"

"Kasi sumali ako sa isang critique group. Nagpalitan kami ng mga isinulat. Excited pa naman ako n'ong isoli sa 'kin ang papel ko, tapos..." Humikbi ito. "Tapos puro panghahamak lang ang note ng partner ko!"

Bumuntonghininga si Rainydusk saka tinapik-tapik sa balikat ang kaibigan. "'Wag mo nang intindihin iyon. Ganyan talaga, you can't please everybody."

"Hindi ko matanggap, Lee. Parang gumuho ang mundo ko," sabi nito habang binabayo ang sariling dibdib. "Parang ayoko nang ituloy ang pangarap kong maging published writer. Wala namang tatanggap sa isinulat ko."

"Talagang masyado kang affected d'yan, ah. Ano ba kasi ang mga comment ng critique partner mo?"

"Sandali." May dinukot itong nakatuping papel mula sa bulsa ng maong pants nito. "Heto, oh." Binuklat nito ang papel saka nagbasa. "I HATE YOU, MITOY!" simula nito. "Pinasakit mo lang ang mga mata ko! Ano bang sulat ito? Kung hindi ka rin lang seryoso sa pagsusulat, better stop dreaming of becoming a pro writer. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi mo!"

Hinablot ni Rainydusk ang papel mula kay Mitoy. "Grabe naman maka-comment ang partner mo. Masyadong judgmental." Sabay tingin sa papel.
Napakunot-noo. Napangiwi. Pagkatapos ay tumitig nang matalim kay Mitoy. "'Yong partner mo ba, e half-Japanese?"

"Hindi."

"Nag-aral ng Nihongo?"

"Hindi rin."

"EH, BAKIT KASI NASA WIKANG HAPON ITONG SULAT MO!"

***

Sabi nila hindi ka raw puwedeng maging writer kung thin-skinned ka. Totoo iyan. A writer should be open-minded. Expect harsh words from others. Be thankful to constructive critiques. Learn to accept all kinds of feedback.

Sino ba sa atin ang aayaw sa magagandang komento? Kailangan natin iyon bilang karagdagang inspirasyon. Nakapagpapalakas din iyon ng loob para maipagpatuloy at mapagbuti pa ang anumang nasimulan. Pero hindi naman puwedeng nice comments lang palagi ang makukuha mo. Meron at merong "bad" sa ayaw at sa gusto mo.

Meron akong nakilalang writer, isa siya sa mga unang nagbigay-pansin sa story ko at nag-critique sa akin. Hayun, simula palang bugbog-sarado ako sa grammar: "I would love to see this piece flawlessly completed ... Polish sentence structure ... That requires more experience in language and in writing."

Noong una, hindi ko pa maintindihan. Nagulat ako kasi sa school, mataas naman ako pagdating sa writing. Pero sa kaniya, bagsak ako. Why, oh, why?

Pagkatapos niyon, binasa ko iyong kuwento niya. Grabe, ang lalim! Pero enjoy basahin, kaya nagbasa na lang ako. Inisip ko rin kasi na hindi naman niya ako kailangan dahil mas magaling naman siya.

Until one day, nag-critique na rin ako. Siyempre may disclaimer: Every small voice is also important, sabi ko.

Tama nga ako.

Ngayon, tapos na niya ang first draft ng nobela niya at ready for re-write na. Invited ako para sa final reading for polishing. Na-appreciate niya kasi ang "small voice" ko. (Naks, may natutunan din siya sa akin.)

At higit sa lahat, malaki ang natutuhan ko sa writing sa pamamagitan ng pag-critique at sa pagtanggap ng critic...

And that's the reason why you need to join a critique club/group (or a writing community).

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!