EPILOGUE

3.3K 90 5
                                    

Dream and dream until you succeed.
  -Author.


6 months past.....

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Basta ang alam ko lang ay kontento na ako sa buhay ko ngayon. Maligayang maligaya ako sa piling ng aking asawa, si adrian.

Oo asawa ko na siya. Ikinasal kami isang buwan pagkatapos ng kasal nila sandy. Matagal na pala niyang pinaghandaan ang magiging kasal namin at ang pag-payag ko nalang ang inaantay niya.

Nagulat pa nga ako ng makita ko ang wedding gown ko. Iyon kasi ang tinanong sa'kin noon ni sandy kung maganda ba. Kaya pala nagkakatinginan sila ng mga sandaling iyon at kaya pala iba ang wedding gown na suot ni sandy noong kasal niya, kasi para pala sa'kin ang wedding gown na ipinakita niya.

Minsan pa ay tinanong ko siya. "What if? Hindi tayo maayos ngayon? What if hindi ako um-oo? Paano nalang lahat ng hinanda mo noon para sa kasal natin?"

He pinched my nose. "Ang dami namang what if.." Ngumisi siya atsaka ako niyakap. "Pero kung sakali mang hindi ka um-oo at hindi tayo okay ngayon. I'm still willing to wait. Hihintayin ko na mapatawad mo 'ko at hihintayin ko na ma-realize mo na mahal mo pa rin ako. Hihintayin ko ang tamang oras para ayain kang pakasalan ako patricia..." Aniya.

Napangiti ako. I am very happy to have him.

Alam kong marami kaming upside down sa buhay pero lahat ng iyon ay nalampasan namin ng magkasama. Kung magkaroon man kami ng problema sa hinaharap, alam kong dalawa kaming haharapin iyon.

Ngayon....sigurado na akong hindi niya ako iiwan.

"Patty!" Napangiti ako nang maring ko ang tili ni sandy. They are here.

Today is my birthday. Lahat ng family ko ay in-invite ni adrian para dito na mag-lunch at mag-dinner sa bahay namin. He was hands-on pagdating sa mga ganitong araw na nagpu-punta rito ang mga mahal ko sa buhay.

Natutuwa naman ako kapag nakikita ang excitement sa mukha niya. Alam ko kasi na maligaya siya tuwing nakakasama namin ang pamilya ko. Gusto ko ring maramdaman niya na kahit wala na siyang pamilya ay nandito naman ako at ang pamilya ko para maging pamilya niya rin.

Mahal na mahal ko siya at gusto kong lahat ng mahal ko at mahal ako ay mahal at minamahal din niya.

"Happy birthday!" Natawa ako nang yakapin ako ni sandy. Napaka-kulit niya pa rin. Lalo na ngayong 2 buwan na siyang buntis. Napaka-bilis din ng mga sperm ni ark at sigurista ang loko. Palibhasa kasi ay laxamana.

"Thank you..." ngisi ko. Lumapit na rin ako kay ark atsaka ito niyakap at bineso. "I'm happy to see you two..."

Tumango naman ito. "Congrats nga pala..." Makahulugang bulong niya.

Umawang lang labi ko at pinandilatan ito. Hay nako! Baka sila pa maunang mag-announce sa'kin eh.

"Asan pala ang asawa mo?" Tanong ni sandy.

Ngumiti ako at tinuro ang way sa kusina. "Kasama sila manang sa kusina. Sila ang nagluluto." Sabi ko.

"Aba! Napaka-bait naman ni architect at napaka-sipag..." komento niya.

Ngumisi lang ako at hinila sila papunta sa sala kung na saan ang mga pinsan ko. Kanina pang umaga ang mga ito, nangungulit at mukhang wala na talagang balak mag-seryoso sa buhay. Pati ang asawa ko ay gusto nilang isama sa mga kalokohan nila, mabuti nalang at sadyang mabait si adrian.

"Kanina pa ba ang mga iyon nandito?" Kunot noong tanong ni ark habang nakaalalay sa'min ni sandy.

Napairap ako. "Oo. Alam mo ba namang kanina pa nila pinapa-sakit ang ulo ko. Ang kukulit! Gusto pa ngang ayain si adrian sa mag-bar, eh."

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon