TAL. 26 -- Let Go

"What motif do you want for your wedding?" tanong ni Corin, ang event planner na kinuha namin. Sa sobrang hectic ng schedule naming dalawa ni Daryl idagdag pa ang pagdadalantao ko, hindi na namin kakayanin na mag-asikaso ng kasal namin. Besides, we have the money to pay her.

Nagpapasaklolo akong napatingin kina Gino at Chanel who were sitting beside me. Nasa AGC main office kami ngayon dahil katatapos lang ng isang meeting ko.

"Ikaw? Wala pa ba kayong napag-usapan ni Daryl?" tanong ni Gino.

Umiling ako. Sabi naman ng asawa ko, ako na ang bahala.

"Wala ka ba napapa-plano kahit noon pa sa isip mo kapag ikinasal ka?" tila naman namamanghang tanong ni Chanel.

Napakamot ako sa noo ko at muling umiling. "Wala." totoo naman na hindi ko kailanman naisip kung ano-ano ang gusto kong detalye sa kasal ko noong bata pa ako. I thought I was too young then to even think of my would-be wedding. And when I was old enough to think of it, I was so busy back then with the hateful things that has been happening in my life. There came a point that I even promised to my self na hindi ako ikakasal kailanman dahil sa takot kong magka-anak, at sa kaisipan na ang mga lalaki ay pare-pareho lamang na hindi dapat pagkatiwalaan.

And when I met Daryl, noong una-una hindi ko naman naisip na hahantong kami sa ganito. I only wanted him for revenge dahil sa hindi nya pagpansin sa akin, na ng mga panahon noon ay kahit sinong lalaki maglulumuhod sa harapan ko upang mapansin ko lang. Wala naman sa hinagap ko na sya na pala ang lalaking nakatakda upang makapag-pabago sa akin. He was the only brave man who took the risk of being with me, kahit pa napakahirap kong intindihin.

"Here, check this para magkaroon ka ng idea sa gusto mong kasal." Corin handed me an album with sample pictures inside.

Nakisiksik din naman sina Gino at Chanel sa akin upang maki-usyoso sa laman ng album.

"Red maganda, sophisticated. Just like you, Cassy." sabi ni Gino.

"Ugh. That's so eww. Why don't you try a color like this one?" sabay turo ni Chanel sa isang picture kung saan naka-black gowns ang babaeng sponsors at black tux naman ang mga lalaki, maging ang groom. At tanging nangingibabaw ang bride dahil sya lang ang nakaputi.

"Mas eww 'yan!" kontra kaagad ni Gino. "Kasal 'yon girl, not lamay!"

"Bagong trend 'yan noh." umirap pa si Chanel.

"Ewan ko sayo. Ginawa mong lamay ang kasal ng kapatid mo!" ungos naman ni Gino.

Napapikit ako at mariing isinara ang album. "Pag-iisipan ko na muna 'yan and will ask Daryl about it na din. Why don't we discuss other stuff such as where will be the reception, the church, and other details?" tanong ko kay Corin. Bad idea yata ang isinama ko pa sa discussion ko ang dalawang ito, lagi naman silang magkakontra.

"Sure, Miss Cass." pag-sang ayon naman nito kaya natigil na rin ang dalawang nasa tabi ko sa pagbabangayan.

Nanahimik na ang dalawang katabi ko nang sinimulan ko ng i-discuss kay Corin ang lugar ng kasalan katulad lang din ng napag usapan namin ni Daryl.

"So pano? I'll be going. May naka-set na rin akong appointment in thirty minutes. Just call me kapag napag-usapan nyo na ni Mr. Montenegro ang motif." sabi ni Corin habang inaayos na ang mga nagkalat nyang gamit sa lamesa. Ilang sandali pa, umalis na din sya at naiwan na kaming tatlo.

"I'm so excited for you, Cassy. I can't wait to see you in your wedding gown!" bulalas ni Gino maya-maya. "May designs nga pala akong ipapakita sa'yo, do you remember Venice Yu? The famous couturier in Paris we met when we had our vacation there? I talked to her last night and asked if she can make you a wedding gown, and you know what she said? She agreed right away!" kilig na kilig pa na patuloy na pagkwekwento nito.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!