3 - PRIMARY TOOL IN WRITING

330 34 18

Nakarinig ka na ba ng musician na hindi marunong sa nota? O painter na walang kaalam-alam sa kulay?

I-report ninyo iyan sa akin at nang ma-imbestigahan.

"Anak ng--! Meron palang gano'n? Ang henyo-henyo naman no'n, Lee," talsik-laway pang sabi ni Mitoy.

"It's what you call: Extraordinary," sagot ni Rainydusk habang ikinukumpas pa ang hintuturo.

Pero meron nga bang gano'n?

Isipin mo na lang, anong tunog ang mabubuo ng isang musician na hindi alam ang pagkakaiba ng Do sa Ti, o ng Re sa So? At ano ang kalalabasan ng isang painting kung hindi man lang alam ng painter na kapag pinaghalo ang blue at yellow ay lalabas ang green?

Wala itong ipinagkaiba sa pagsusulat. Kung ang musician ay dapat may masusing kaalaman sa musical notes, at ang painter ay sa colors, ang writer ay sa language naman.

"Ay sus. May alam kaya ako sa mga nabanggit na 'yan," sabad ni Mitoy. "RYB--primary colors. Do, re, mi, fa, so, la, ti, do--musical notes. Filipino, English, konting Spanish, one-fourth na Japanese, at karampot na Korean--different languages. May alam ako sa mga 'yan, Lee. Pwedeng-pwede na pala akong maging musician, painter, at writer."

"Sige, i-push mo 'yan."

Ikaw?

Ano'ng language ang gamit mo sa pagbuo ng kuwento?

Kung English, review the basic rules in English grammar; kung Filipino, alalahanin natin ang mga pangunahing tuntunin sa paggamit ng wikang Tagalog. Estudyante ka ba? Sige, basa-basa rin ng textbooks 'pag may time at huwag mahiyang magtanong sa English or Filipino teachers tungkol dito. Out-of-school ka or tapos ka na ng kolehiyo? Recall, recall lang ng stock knowledge tungkol sa grammar. Ano! Nalimutan mo na dahil naitapon mo na sa iyong Alzheimer's box? No problem, ang daming bookstores d'yan, or nag-o-online ka, hindi ba? Research. One-click lang ang katapat niyan.

Sacrifice.

To be an effective writer, you have to make sure you know how to use the tools in writing. Study at least the basic rules in grammar of your preferred language -- Filipino or English.

"Yikes! Grammar?" biglang eksena ni Mitoy. "Grammar talaga, Lee?"

"Oi, oi. Nalimutan mo na ba? 'Writing is a continuous process of learning. It's an art that requires careful practice and lots of sacrifice.'"

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!