2 - NO WRITER IS PERFECT

330 41 25

Ang pagsusulat ay isang napakahabang proseso.

Pansin ninyo? Superlative ang ginamit kong description d'yan. Kasi nga, kahit anong level ka pa bilang writer, tuloy pa rin ang proseso ng pagkatuto. Published or non-published; amateur or professional author ka man, you're still not perfect.

"Eh, 'yun naman pala, e," sabad ni Mitoy. "Bakit kailangan pang pag-aralan kung hindi rin naman maaaring ma-perfect? Kumbaga sa exam, no perfect score."

"Perfect piece of writing is in the taste of the editors, publishers, critics, readers and you, the author itself," mariing sagot ni Rainydusk.

See... Kaya aral lang nang aral. And be sure to please yourself first before anybody else. Ikaw ang unang fan ng istorya mo kaya siguraduhin mong mahal mo iyan -- na masaya kang isinulat mo iyan. Kapag masaya ka sa ginagawa mo tiyak na may mapapasaya ka ring ibang tao. Siyempre hindi lahat, pero kahit papaano meron iyan -- and be thankful sa iilang naka-appreciate sa iyo. Sooner or later they will grow in numbers.

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!