1 - WRITER KA BA?

407 36 27

Starring:

Mitoy - isang taong mahilig magsulat

Rainydusk a.k.a. Lee - magandang taga-usig... ehem! Critic? Ah, hindi. P'wedeng writing coach na lang?

Ikaw - observer, reader, analyzer, taga-comment... basher, spammer

with special participation: Aya - owner ng SBC store

***

Writer ka ba?

"Ay, hindi ako writer," sagot ni Mitoy.

"Akala ko ba mahilig kang magsulat?" napapakunot-noong tanong ni Rainydusk.

"Oo nga." Namewang pa si Mitoy.

"So, writer ka nga?" Sabay pakawala ng buntonghininga.

"Hindi nga, ang kulit mo, Lee. Sinabi ko ngang hindi. Ako. Writer!" Sabay walk out.

Sino sa inyo ang hindi writer d'yan pero panay naman ang gawa ng tula, essay, at stories?

Ikaw ba 'yan?

Hay, naku! Ewan ko sa 'yo.

Sulat ka nang sulat, e hindi ka naman pala writer.

Sabi nga, Claim it, and it will be yours.

Ito ang first step para maging writer.

I-claim mo iyang title na WRITER. Hindi iyan mauubos, promise. (Bakit? May lisensya ba para matawag kang writer, ha? O, ito... Ihagis ko sa iyo itong PRC license ko -- hindi pa nga lang nare-renew iyan. Hehehe.)

Wala niyan. Basta magsulat ka lang at maniwala na ikaw ay isang manunulat. You're a writer. Period.

"Lee! Lee!" humahangos na tawag ni Mitoy habang tumatakbo papalapit kay Rainydusk.

"Oh, Mitoy. Ano?" balik-bati niya. "Tinatanggap mo na ba sa sarili mo na isa kang writer?"

"Di ba..." habol-hininga nitong simula, "ang sabi mo basta mahilig magsulat, writer na? Kaya siyempre. I'm a writer."

"Ayos 'yan. Ano na nga pala ang mga naisulat mo na?"

"Heto, oh." Sabay pakita ng hawak-hawak na mga sobre at stationeries. "Love letters."

Good.

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!