x26: Disappointment

[RACHELLYN's PoV]

*sigh..

Tambay mode ako dito sa school. Wala na kong klase eh. Hinihintay ko na lang si CJ na makapunta dito kasi sabi nya ihahatid daw nya ko sa work ko ngayon..

Si CJ..

Ano kayang nangyari sakanya kagabi??

Sabi nya kasi itetext nya ko pag makauwi na sya pero di naman sya nagtext..

Naisip ko na baka nakatulog na sya agad pagka-uwi nya pero hanggang umaga, di pa rin sya nagtext. Ako na nga ang unang nagtext sakanya, nangulit at nagpa-ring pa ko pero WALA TALAGA. Tanghali na sya nakapag-reply, saying sorry sa hindi nya pagtext sakin at nakauwi na rin daw sya.

Ako naman nagtanong kung anong nangyari sakanya at kung kakauwi nya lang ba, pero ang layo ng sagot nya! Mag-charge daw muna sya at susunduin nya raw ako after school! Psh..

Di ba nya alam na nakaka-frustrate para sakin yung ginagawa nya..

Kinakabahan tuloy ako. In almost 3 years na pagkakaroon namin ng relasyon, ngayon lang sya naging ganito eh. Ngayon lang sya naging kaduda-duda.

Posible kayang may ginagawa sya na kung ano behind my back? Tulad ng....ng pangbababae??

>___

HINDEEE..

CJ's not that kind of guy! Ni hindi nga sya madaling ma-attract sa mga babaeng maganda at sexy manamit eh! Di tulad ni Adrian! Yung lalaking yun, basta may ganung babae sa paligid, tsk. Titig na kung titig, kulang na lang maglaway!

*sigh..

Pinatong ko na lang sa mesa ang shoulder bag ko and there I rested my head.

CJ's very different from Adrian kaya wala akong dapat ipag-alala. I do trust him. For sure, may valid reason sya kung bakit sya nagkakaganito ngayon..

*BUDUMP*BUDUMP*

Kumontra naman daw ang puso ko sa iniisip ko!! Ano ba toh.. >.

I trust CJ. I trust CJ. I TRUST CJ! Kahit anong protesta ng puso ko sa pinapaniwalaan ko, FINAL NA YAN!

I strongly believe that CJ won't do anything na makakasakit sakin. Mahal na mahal kaya nya ko. Until now nga kinikilig pa rin ako dun sa back-hug and kiss nya sakin kagabi ehh. Hihihi..

Kinikilig nga ko pero yung KILIG na yun, mabilis din napalitan ng KABA.

Ang gulo.. Ang gulo ng puso ko, ng utak ko, lahat na!

Nakakaantok tuloy..

Kaantok mag-isip at maghintay..

Medyo matatagalan pa naman si CJ na makarating dito kasi katetext nya lang na umalis na sya sakanila kaya hinayaan ko munang umidlip ang sarili ko..

.

.

.

.

.

"Wui.."

I heard a familiar voice..sa panaginip ko..

"Wui, Chelle ko.."

I smiled in my dreams as I heard that familiar voice again calling me-- what?? CHELLE KO??

"Gising na wui.."

Napadilat na ko. Agad kong nakita si Adrian na naka-upo sa tabi ko at..at nakatitig sakin with a smile.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!