"Kids!" narinig kong tawag sa amin ni Tita Maine, ang Mama ni Ella.


Napatigil kami sa paglalaro ng water gun. Sayang, matatamaan ko na dapat si Liam eh. Eh sa trip ko kasi si Liam.


"You guys eat first! I made some snacks!" sigaw ni Tita.

Napatingin ako sa tatlo. We were looking at each other.

"The first to go inside is the good looking one!" sigaw ni Liam sabay tumakbo papasok.

Dahil doon ay napatakbo kami. Pero napangiti ako sa nakita ko, Dale was holding Ella's hand while running.

Nauna si Liam sa loob. Obviously. Dumiretso agad kami sa kitchen to eat. Nadatnan namin si Kuya Kris sa loob, kasama ang girlfriend niyang si Ate Shane.

"You eat as many as you can. Ayokong magmukha kayong malnourished." sabi ni tita sa amin. All of us laughed. Si Liam kasi ang pinakamataba sa amin.


"Tita, hindi na po counted si Liam." sabi ni Dale sabay sumubo ng sandwich.


"I know. Kaya nga gusto ko ang katawan ni Liam eh. Ang cute!" dahil doon ay napangisi si Liam.


"Sabi ko sa inyo eh, cute talaga ako." proud na sabi ni Liam.


Dahil doon ay mas lalo kaming natawa.


"Wala kang sinasabi." sabi ni Ella sabay tumayo at pumunta sa mga lalagyanan ng mga inumin.

"Wait, Ma? What is this?" tanong ni Ella sa Mama niya na may hawak na para bang bote na may nakalagay na "Mogu-mogu."

"You should try that, sweety. Bago lang 'yan eh. Inimbento ng client ko. It's so good. May nata de coco. I chose strawberry and lychee. Yun lang 'yung mga masarap na natikman ko eh."


Binigyan kami ni Ella ng tig-isang Mogu-mogu. Kinilig ako ng pagkabigay ni Ella ng mogu mogu kay Dale ay accidentally pang nahawakan nito ang kamay ni Ella.

"I saw that." sabi ni Kuya Kris na masama ang tingin kay Dale.

"What did you saw, Kristoff?" tanong ni Tita kay Kuya Kris.


"Si Dale. Mag-gagrade 6 palang marunong ng dumamoves sa kapatid ko." sabi ni Kuya Kris na para bang naka-on ang pagiging over protective brother.

"Hayaan mo na. Bagay naman sila ng kapatid mo eh." Tita smiled na para bang kinilig dahil doon ay tumili kami. Ella and Dale just laughed pero halatang namumula. Magkatabi pa sila.

"I know. Pero wag muna magdamoves ngayon. Makita pa 'yan ni Papa." dahil doon ay hinampas siya ng girlfriend niyang si Ate Shane sabay sinabing "Magdadalaga din 'yang kapatid mo at magkakaboyfriend!"


Dahil doon ay niloko namin si Dale na manligaw na kay Ella. He just smiled at umiling. Hindi alam ni Ella na gusto siya ni Dale. I don't know, parehas naman silang may gusto sa isa't-isa.


END OF FLASHBACK

"HUY!"

KathNiel: How A Broken Heart Gets BrokenWhere stories live. Discover now