10

120 4 4
                                                  


Nagising ako ngunit masakit yung ulo ko. Kumikirot ang ulo ko na parang mag-bebrain tumor na ako. "Hoy, Desiree! Umiinom ka na pala?! Aba! Kaka-eighteen mo kang nung tatlong buwan ah!" Pagsesermon sa akin ni Bryle. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Javis na nasa sofa yakap-yakap ang teddy bear ko. "At lalake pa kasama mong uminom?! Buti nga at hindi ka pinasamtalahan ni Javis!"

Yung Mc'do na usapan namin, naging seven eleven nalang. Ang layo na kasi ng Mc'do kaya sa pinakamalapit na seven eleven kami dumapo.

"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Javis. "Alak." Sabi ko. "Sure ka?! Baka pepektusin ako ni Bryle at ni Madam Olivia eh!" Sabi niya. "Bilihan mo na ako please." Sabi ko kaya wala na siyang nagawa kaya bumili nalang. Napailang bote na ako hanggang sinamahan narin ako ni Javis na uninom.

Sinapak ako ni Bryle. "Hoy! Kinakausap kita." Sabi niya sabay abot sa akin ng kape. "Love mo parin ako di ba?" Out of the blue kong tanong. "Hindi na." Sabi niya at aalis na sana ngunit hinawakan ko yung tshirt niya kaya napapunta siya sa kama ko. "Love mo ako." Sabi ko. "Hindi nga eh!" Sabi niya, "O edi iimpake mo na ang gamit mo at alis ka na dito." I said coldly kaya napayakap siya sa akin. "Joke lang, lab na lab kaya kita bibi ree ree," sabi niya at kinirot yung pisngi ko.

Nakita ko si Javis at Hindi ko namalayan na gising na pala siya at minamasahe niya ang ulo niya. Napatingin siya sa akin na parang may malaking kasalanan ako sakanya. "Oh, anong problema mo?"tanong ko sakanya."Ikaw ang problema ko." Pagsagot niya.

Wow, hindi naman ako mathematics para maging problema mo Javis.

"Nakakashock naman yan, Jav. Ano ba kasalanan ko sayo? Ha?" Saad ko habang tinataas yung isa kong kilay.

"Magpasalamat ka nalang na nahatid kita nang ligtas dito, buti nga't di naparami yung nainom ko kagabi." Sabi niya. Aalis na sana siya ngunit lumingon siya kay Bryle. "Naghintay pa ako ng 30 minutes sa labas ng bahay niyo dahil walang tao. Iiwanan na sana kita sa labas kaso dumating si Bryle eh." Sabi niya. "Sige una na ako."

Aalis na sana si Javis ngunit tinigilan siya ni Bryle, "Hoy, ano pa ginawa niyo kagabi? Hindi mo ba pinagsamantalahan asi ree ree ko? Baka pinagnanasaan ka na nito—" pinutol ko ang pagsasalita niya. "Teka lang." Napatigil ako sa pagsasalita tas tumingin kay Javis. "Anong tingin tingin mo diyan?"

"Hmm, Malay ko sakanya. Baka may hidden desire to sakin—" pagpatuloy ko ngunit pinutol na naman ako. "Ako?! Magkaka-hidden desire sayo?! Lul, pakamatay ka muna." Sagot niya kaya napatawa naman ako.

Yie, defensive ka masyado. Napapaisip nalang ako na totoo eh.

"Tama na yan!" Sigaw ni Bryle. "Hoy ikaw," tumingin siya kay Javis. "Alis ka na, di ka na namin kailangan, shoo shoo." Pagbugaw niya kay Javis kaya sinaaman siya nang tingin.

"Grabe ka naman kay Javis, di ka naman niya inaano." Sabi ko. "Saan ka pala kagabi? Umaalis ka nang walang paalam sa akin?"

"Pinuntahan ko lang si Tita Meriss, may ibinigay siya sa akin." Sagot niya kaya tumangi lang din ako. Speaking of mama, palagi nalang siyang wala. Mag dadalawang linggo na siyang wala at kami lang ni Bryle dito sa bahay. Ngayon nasa Singapore siya dahil nandoon yung mga klayente niya. Hindi ko naman siya masisisi eh, siya nalang yung nagtataguyod sa akin. Ngunit, parang nasanay na naman ako na wala siya, buti nga at nandito si Bryle. Pinapadalhan lang din naman siyang ng Mama niya, at hati kami doon. Noong una, tinanggihan ko kasi parang ang kapal ng mukha ko ngunit Sabi niya yun din daw yung bayad sa paninirahan niya sa bahay namin, kaya wala akong nagawa at um-oo nalang dahil pinilit niya ako.

Napahiga ako sa kama at napatingala sa ceiling, "Miss ko na si Mama!" I whined. Humiga din si Bryle sa aking tabi. "Miss ko na din siya, miss ko na luto ni Tita. Miss ko na din si Mama, si Papa at si Zana." Sabi niya. Si Zana yung nakakabata niyang kapatid na Grade 3 na ngayon. "Pero ayos lang yan, nandiyan ka naman. Yun lang sapat na para maging masaya ako." Sabi niya. "Tapos wag kang mag-aalala, nandito lang ako palagi sa tabi mo, ree ree." Dagdag niya sabay ngiti.

The Campus Nerd is HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon