Seven

1.8K 34 0

WTKWLI — Seven

Umuwi akong tulala sa apartment. Aina and Kean keep calling me kaya pinatay ko ang phone ko. I don't want to talk to anyone right now.

Isinubsob ko ang sarili ko sa couch.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit and I really can't handle the pain I'm feeling.

Katie warned me about her pero bakit binalewala ko? Bakit nga ba pinagpilitan ko? Para naman kasi akong tanga eh.

"Aisshhhhh! NAKAKAINIS!" Pag dadabog ko sa couch pero umupo na ako.

Napabutong hininga ako at tinurn on ko na ang phone ko. Luckily, hindi na tumawag yung dalawa. Nako. Iintregahin ako nun pag nakita ako.

Nag facebook lang ako at nag scroll scroll hanggang sa may nakita akong story sa FEU Secret Files. It's about a deal with the sender's crush.

Ang swerte niya. Napa-fall niya yung taong gusto niya.

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Pano kung.... umiling iling ako at pumikit tsaka sumandal ulit sa couch. Pwede naman. Kaso hindi ko kaya. Alam kong hindi ko kaya.

Napaupo ulit ako nang maayos at nag isip talaga mabuti.

Bumuga ako at nakipag-deal sa sarili ko.

Okaaaaayyyy. Try lang. If hindi talaga mag work out, then move on.

Nagdabog dabog ulit ako kasi kinukulit ako ng anxiety. Shet. Wag ngayon.

*riiiiingggggggg*

Katie's calling.

"Hello?"

[HOY IKAW. BAKIT BIGLA BIGLA KA NA LANG UMALIS? KANINA PA KAMI NATAWAG SA'YO TAPOS PINATAY MO PA PHONE MO.]

"Okay. Sorry. Na-stress lang ako. Pero wait. Pumunta kayo dito. I have something to ask at help na rin."

[Nandito kami sa labas ng pinto mo. Open it.]

Nakakagulat naman 'to. Dali dali akong tumayo at pinagbuksan sila ng pinto. Sumalubong sa'kin ang isang box ng S&R pizza.

"Woah! Woah!" The only expression I said. Kinuha ko agad yun sa kanila at nilapag sa mesa na nasa harap ng couch.

Dirediretso lang sila sa pag upo.

"Ano nangyari girl?" Tanon agad netong si Kean.

Napabuntong hininga ako dahil naalala ko yung nangyari. I told them everything.

"Ayan. Binigyan na kita ng warning about that pero ano?"

"Inlove si ate mong gurl. Wag mo na sermonan, nay." Pagbibiro ni Kean.

Tiningnan siya ng masama ni Katie at nag peace sign lang siya.

"Sorry na. Pero I have a plan." Sabay kagat ko sa pizza na hawak ko.

"Yan yung sinasabi mo kanina?"

"Yup."

"Spill it, girl." Kean said.

"Ganito. Makikipagdeal ako kay Skype." Sure na sure kong sabi sa kanila.

And sila, naka-poker face lang sa'kin.

"Deal like sa wattpad stories tapos nag kainlove-an? Something like that ba?" Tanong ni Kean sa'kin.

I nodded.

Sabay silang tumawa and I was like. Are you really my friends? Wala man lang support? Eesh.

Nabilaukan si Kean sa sobrang tawa kaya binigyan ko agad siya ng soft drinks since yun lang ang meron sa harap namin habang hinahaplos ni Katie yung likod niya.

"Karma. Wala kang support ah." I said it in a sarcastic way.

Inarapan niya lang ako. Napangiti ako na natatawa sa ginawa niya.

"Pero seriously. Gusto mo talagang gawin yun?" Katie asked in doubt.

"Yup. Just want to try. Malay natin." I said while shrugging.

"So panong help ang kailangan mo from us?" Kean asked.

"Kailangan ko ulit siya makausap. Yung matino siya."

Nagtinginan muna ang dalawa and finally,

"Okay."

Napa-yes ako in action. Let the mission begin.

——————

Maikli lang muna for this chapter. Bawi po ako sa chaper eighttttttt! Enjoyyyyyy! *plays ...Ready for it?*

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!