Ano ba talaga tayo?

259 2 0
                                                  

"Uy, ano ba kayo niyan?"

"Wala."

"Anong wala? Ano nga kayo?"

Alam mo bang yan ang palagi nilang tanong sa'kin. Ano tayo? Ano nga ba tayo? Meron bang tayo? Meron naman di ba? Palagi naman tayong magkasama di ba? Minsan nga tumatawag ka pa para alamin kung nasaan ako tapos pupuntahan mo ako kaagad. Minsan nga magkasabay tayong umuwi. Minsan pa nga nadayo ka sa bahay namin para lang sabihin sa'kin na may assignment tayo. Meron namang tayo di ba? Kahit papaano.

Hindi naman tayo palaging magkasabay na para bang hindi na mapaghihiwalay pero sa kabila nun alam parang naiintindihan pa din natin ang isa't isa. Katulad nito, nasa mall ako. Mag-isa. Nag-status lang ako kanina sa facebook na ang epic buyer ko, bigla ka naman tumawag kaagad.

"Nasan ka?" Tanong mo.

"Sa Mall. Food court." Sagot ko. Saka mo binaba ang tawag.

Alam kong darating ka, kaya hindi ako kaagad agad umalis kahit na napapaligiran ako ng mga couples dito. Lumingon ako sa kaliwa at kanan, puro couples talaga. Wala namang okasyon. It's just summer. Paano kaya kung maging ganyan tayo, ano? Sweet sa isa't isa. Yung isa nagnakaw pa ng halik sa girlfriend niya. Yung sa kabila naman medyo nagkakasagutan. Ganyan din naman tayo, di ba? Sweet with the kiss and the holding hands.

"Huy, tulala ka dyan? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko na e. Alam ko naman na pupunta ka. 

"Bakit bawal ba ko dito? Sa'yo? Sa'yo?" Tumawa ka at saka ako inakbayan. Yan, isang akbay lan, nagwawala na yung puso ko.

"'To naman hindi mabiro. Seryoso nga, bakit ikaw lang mag-isa? Di ka man lang nag-aya?" 

"Hindi ko alam. Baka mamaya busy ka." Sabi ko.

"Sus, bar tayo mamaya?" 

"Tigilan mo, may exam nga tayo bukas bar ka dyan."

"Thursday."

"Bahala ka. Aakalain na naman nilang tayo..." Kahit hindi naman talaga.

"Sige na, please." Napatingin ako sa'yo. Yan pati yang pagpapa-cute mo. Nakakainis ka talaga.

"Sige na. Sige na. Pero sa thursday pa a, mag-aaral ako." Inirapan pa kita kahit na ang cute cute mong tignan. Nakakainis talaga. Mukha tayong nag-aaway na magkasintahan.

Tss. Magkasintahan, huh?

"Yes. So anong ginawa mo?"

"Bumili ng libro. Kaso hindi ko napansin na part two pala yung nabili ko imbes na part one." Bumuntong-hininga ako. Kasi naman hindi ko alam kung bakit ang epic buyer ko talaga.

Tumawa ka at nakakainis dahil pati ang tawa mo, nakakatuwa. Nakakadala. Nakaka...Hay, ano ba kasi talaga tayo? Hindi mo naman dine-declare na magkaibigan lang tayo. Hindi mo rin naman sinasabi na 'tayo'. Ano ba talaga?

Bakit ba kasi nag-a-assume ako ng damdamin mula sa'yo? Paano kapag platonic lang pala? Paano kapag...Ako lang pala ang nahuhulog dito.

PLATONIC. Yan lang siguro tayo.

"Osiya, bibili kita ng part one mamaya. Masyado ka namang malungkot dyan." Sabi mo. 

"Wag na! Ano ka ba? Hindi na kailangan. Bibili na lang ako mamaya. Ang dami mo na ngang binibigay na books sa'kin." Sabi ko. 

Oo nireregaluhan mo ako ng mga libro, damit at minsan nililibre mo pa ako ng sine. Nakakahiya nga minsan. Di ba ganito yung mga bagay na ginagawa ng boyfriend sa girlfriend niya? Sabihin mo nga ano ba talaga tayo?

"Okay lang. Tara nood muna tayo ng sine. Di ko pa napapanood yung Spiderman 2." Yan na naman ang mga ngiti mo. Yung mga mata mo na naniningkit kapag ngumingiti. Yang matangos mong ilong, yang dimples mong laging nagpapapansin lalo na kapag nagsasalita ka. Pati ang labi mong manipis at mapupula.

Ano ba talaga tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon