Chapter-26 (DAY-1)

572 32 1
                                    

(IAN)

Habang inaayos ko ang aking mga gamit at hinihintay na magising si sam ay bigla naman kami tinawagan ni jayson sa baba para daw mag luto ng tanghalian.

Kaya bumaba na kami ng bigla naman mag salita si nick.

"Sino mag babantay kay suplada?" napatingin kaming lahat sa kanya ng bigla magsalita si jiro.

"Neh wala naman mangyayari diyan sa nerd na iyan kaya bumaba nalang tayo at tumulong kinda jayson" sabi niya at bumaba na siya.

"TSK..... Si ranz nalang ang maiwan dito mukha naman wala siya gagawin sa baba eh. Oy ranz" tawag ni nick kay ranz na abalang abala sa pag cecell phone.

"AH OO AKO NA BAHALA" akala mo naman ay nakikinig sa sinasabi ni nick.

Bumaba na ako. may tiwala naman ako kahit kaunti kay ranz eh.

-----------

(SAM)

"Mama ampunin nalang po kaya natin siya" narinig ko sabi ng bata sa nanay niya.

Bakit niya sinasabi sa nanay niya na gusto niya ako ampunin.

"Anak may nanay at tatay pa siya kaya hindi natin pwede ampunin siya." narinig ko sabi ng nanay sa bata.

Nanay at tatay? hmmmm......

--------

Aray ko po nanaginip nanaman ako ano ba iyan. Nasaan ba yung salamin ko kapa sa may gilid kapa sa kabilang gilid ah eto bago ko isuot yung salamin ko ay kinusot ko muna ang mata ko at saka ko sinuot ang salamin.

Mulat. pikit...... Nasaan ba ako ang naalala ko lang ay pumunta kami sa bahay ni jaycob.

Bakit nasa magandang kwarto ako.
Lumabas ako para tignan kung nasaan ba ako.

.
.
.
.
.
.
.

Mukhang nanaginip parin ako ah Hehehehe hanggat nanaginip pa ako ay susulitin ko narin ito ang ganda ng bahay eh.

Hehehehe...

May nakita ako hagdanan kaya bumaba ako at tinignan kung ano ang meron sa baba.

Snfffff......

Snffff...

Ang bango ah.

Nag madali ako bumaba para tignan kung ano ang amoy na iyon.

Saan ba iyon nanggagaling ang bango sinundan ko nalang yung amoy.

Pag nga naman matalas yung pang amoy mo no hehehe dinala ako ng mga ilong ko sa kusina kung nasaan ang lahat. aba aba kompleto sila sa panaginip ko ah.

Parang nagulat sila ng makita nila ako hahahah ano meron.

"Uy ano yan ian" lumapit ako kay ian na may hinihiwa siya.

Sabagay panaginip ko naman ito kaya pwede ko sabihin ang lahat na gusto kong sabihin.

"Alam mo ian, ang cute mo" hahahaha sabi ko sa kanya kaya nagulat ako ng namula siya.

"A-ano pi-pinag sasabi mo" eh hahah sabagay pag nanaginip ka talaga pwede mag salita yung tao.

"Mukha nga crush na kita eh hahahha" sabi ko sa kanya na kanyang ikinagulat hindi lang siya ang nagulat pati nadin yung iba.

"Ikaw naman sed" nakita ko kasi si sed na nag luluto kaya nilapitan ko siya.

"Kahit ba sa panaginip ko nakasimangot ka alam mo ang gwapo mo sana kung naka ngiti ka. Bili na pag bigyan mo na ako ng isa ngiti ka naman oh" sabi ko sa kanya na kanyang ikinagulat.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon